CHICKEN BINAKOL = CHICKEN TINOLA na may BUKO
Napaka-innovative talaga nating mga Pilipino pagdating sa kusina. Hindi tayo nakukuntento sa nakasanayan nating luto o timpla sa mga pagkaing inihahain natin sa ating mga mahal sa buhay. Patuloy nating ini-improve ito sa tulong na din ng mga food magazines, television at itong internet.
Katulad nitong recipe natin for today. Kung tutuusin simpleng chicken tinola lang ito. Pero nung nilahukan ng sabaw at laman ng buko, talaga namang naiba at mas lalo pang sumarap ang masarap nang tinola.
Hindi ko alam kung saang lugar nag-originate ang dish na ito pero saludo ako sa naka-isip nito. Panalo ang sabaw sa sarap. Hehehehe. Try nyo din po.
CHICKEN BINAKOL = CHICKEN TINOLA na may BUKO
Mga Sangkap:
1 whole Chicken (cut into serving pieces)
1 medium size Green Papaya (cut into wedges)
1 whole Buko (hiwain ang laman, at kunin ang sabaw)
Dahon ng Sili
2 thumb size Ginger (slice)
1 pc. Onion (slice)
5 cloves minced Garlic
3 pcs. Siling pang-sigang
1 tsp. Whole Pepper Corn
Patis or salt to taste
2 tbsp. Cooking Oil
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa kaunting mantika.
2. Ilagay na agad ang manok at timplahan ng kaunting asin at buong paminta. Kayaang masangkutsa. Takpan
3. Lagyan ng nais na dami ng tubig para sa sabaw. Hayaang kumulo.
4. Sunod na ilagay ang hilaw o green na papaya, siling pang-sigang, laman ng buko at sabaw nito. Takpan muli at hayaang maluto ito.
5. Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.
6. Huling ilagay ang dahol ng sili at sala patayin ang apoy.
Ihain habang mainit pa ang sabaw.
Enjoy!!!
Comments