MARGARET 7th BIRTHDAY

Last Sunday April 28, nag-celebrate ang apo ko sa pamangkin na si Margaret ng kanyang ika-7 kaarawan.   Sa bahay namin sa Bulacan ginawa ang handaan at todo abala talaga ang kanyang lola na aking kapatid sa paghahanda ng mga pagkain para sa may birthday.

2pm nang dumating kami sa amin sa Bulacan.   Naka-ready na ang buffet table at may ilang putahe pa na niluluto ang aking kapatid.   Ang may birthday naman ay abala na sa pagbibihis ng kanyang damit na isusuot.   Yung unang damit pala ay binili ng aking asawang si Jolly.   Nakakatuwa kasi yun pala ang gusto ng may birthday.   Yung kulay purple ng daw na may glitters.

Masaya ang lahat lalo na ang may birthday at ang kanyang nanay na si Carla.   Maging ang lola na aking kapatid na kahit na pagod sa pagluluto ay masayang pinapanood ang kanyang apo.

Ito yung isa pang damit na isinuot ng may birthday.   Ang lola niya ang nagpagawa niyan base na din sa kahilingan ng apo.

Maraming pagkain ang niluto ng aking kapatid.   Para nga kakong debut ang handa.   hehehehe

Syempre hindi mawawala ang spaghetti na paborito ng mga bata.

May pancit palabok din na paborito naman ng matatanda.  Ito ang kinain ko.   hehehe


Mayroon ding Baby potatoes with bacon and cheese na puring-puri ng mga bisita at ng aking anak na si James.

May chicken barbeque din na ang sarap ng sauce.

Arroz Valenciana na isa din sa aking mga paborito.

Bakas sa mukha ng may birthday ang kasiyahan ng mga oras na yun.

Maging ang kanyang mga tito na aking mga anak ay nakisaya din sa picture-an.

Talaga namang ready na ready ang may birthday sa posing niya sa picture.   Hehehehe

Maging ang mga bisita ay tuwang-tuwa sa salo-salong nagaganap.

Pabalik na kami ng Manila ng dumating ang aking Tiya Doring (pict sa itaas) kasama ang kanyang mga anak, pamankin at mga apo din.   Kamustahan lang at umalis na din kami.

Ang may birthday si Margaret bale ang unang apo ko sa pamangkin.   Dalangin ko na sana ay lumaki ang aking apo sa pamangkin na malusog, matalino, may pagmamahal sa kanyang mga magulang at kapatid, may paggalang sa kanyang mga kamag-anak at kaibigan, at higit sa lahat may pagmamahal sa Diyos.

Amen


Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE