POCHERONG PATA ng BABOY


One of my favorite itong pochero.   Mapa baboy, baka man o manok at okay na okay sa akin.   Gustong-gusto ko kasi yung naghahalong alat, asim at tamis ng sauce at syempre yung kakaibang lasa na naibibigay ng chorizo na ginamit.

This time pata ng baboy naman ang ginamit ko para sa pocherong ito.   Mainam kasi ito kasi magbibigay ng masarap na lasa ng sabaw o sauce ang butong part ng pata.   At nilahukan ko din pala ito ng kamote para magdagdag pa ng lasa at tamis sa sauce.

Yummy!!! Hindi pa rin talaga ako binibigo ng paborito kong pochero.   Try nyo din po.


POCHERONG PATA ng BABOY

Mga Sangkap:
1 whole Pata ng Baboy (sliced)
1 tetra pack Tomato Sauce
2 pcs. Gourmet Sausages (sliced)
Pechay
Repolyo
2 pcs. Kamote (cut into cubes)
4 pcs. Saging na Saba (hiwain sa dalawa)
2 tbsp. Brown Sugar
1 large Onion (sliced)
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.  Sa isang heavy bottom na kaserola, pakuluan ang pata sa tubig na may asin at paminta hanggang sa malapit nang lumambot ito.
2.   Isunod na ilagay ang gourmet sausages, kamote, saba, sibuyas at tomato sauce.   Takpan muli at hayaang kumulo ng mga 5 minuto.
3.   Timplahan ng brown sugar at tikman.   I-adjust ang lasa kung kinakailangan.
4.  Huling ilagay ang pechay at hiniwang repolyo.  Hayaan ng ilang minuto at patayin ang kalan.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Note:   Pa-click naman po ng ADS sa right side..tulong nyo na lang po sa akin.   Thank you :)

Comments

Anonymous said…
kuya dennis, paki tama lang po ang spelling sa #1 & #2 na paraan ng pagluluto. Nakalagay po kasi, pakuluan ang "bata" sa #1 , habang sa #2 "Sunog".
Dennis said…
Uy! Salamat ha....sa pagmamadali ay hindi ko na na-proof read ang mga na-type ko. hehehehe.

Thanks again

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy