SPAGHETTI PASTA with ROASTED BELL PEPPER, HAM & BACON

Dun sa post ko about our department team building activity, isa sa mga food na kinain namin ay itong pasta dish na ito.   Spaghetti Pasta with Roasted Bell Pepper, Ham and Bacon.

Ni-request nila na magluto ako para naman daw matikman nila ang mga pino-post ko dito sa blog.   Napaisip tuloy ako kung alin sa mga pasta recipes na nandito ang lulutuin ko.   Kung white, green o red sauce ba?   Syempre naman dapat magustuhan nila ito.

Dito ko naisipan na gawan ng kakaibang luto ang pasta dish na ito.   Ang ginawa ko, inihaw ko muna yung red and green bell pepper at saka ko hinalo sa sauce ng pasta.   First time kong gumawa ng ganito at hindi naman ako nabigo.   Masarap at nagustuhan ng lahat ang niluto ko.


SPAGHETTI PASTA with ROASTED BELL PEPPER, HAM & BACON

Mga Sangkap:
1 kilo Spaghetti Pasta (cooked according to package directions)
1 tetra brick All Purpose Cream
1 tetra brick Alaska Evaporated milk (red label)
1 cup Cheese Wiz
1 cup grated Cheese
250 grams Bacon (cut into small pieces)
250 grams Ham (cut into small pieces)
1 pc. large Red Bell Pepper
1 pc. large Green Bell Pepper
1/ 4 cup Butter
5 cloves minced Garlic
1 large White Onion (chopped)
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Lutuin ang spaghetti pasta according to package directions.  Huwag i-overcooked.
2.   I-ihaw ang red at green bell pepper hanggang sa malanta lang ng bahagya ang mga ito.   Alisin ang mga sunog na part o balat.   Hiwain ng pa-cubes.
3.   Sa isang kawali o sauce pan, igisa ang bawang at sibuyas sa butter.
4.  Isunod na agad ang bacon, ham at ang inihaw at hiniwang bell pepper.
5.  Ilagay na din ang evaporated milk at cheese wiz at timplahan ng asin at paminta.
6.  Kapag medyo kumulo na, ilagay na ang all purpose cream.   Hinaan na lang ang apoy.
7.  Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.  patayin na ang kalan.
8.  Ihalo ang pasta noodles sa ginawang sauce.   Haluin mabuti hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat ng noodles.
9.  Isalin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang grated cheese.

Ihain na may kasamang toasted o garlic bread.

Enjoy!!!!

ps.

Paki-click na lang po ng mga ADS para maka-points ako sa Google.   Thanks

Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE