CREAMY PORK MUSHROOM and POTATOES

For me, hindi naman kapag sinabing espesyal na ulam ay ito yung ulam na maraming sangkap na ginamit o medyo kumplikado ang pamamaraan ng pagkaluto.  O pwede din na mahal ang mga sangkap o kaya imported kaya nasabi nating espesyal. 

Para sa akin, nagiging espesyal ang isang putahe kung talagang kakaiba ang sarap nito kahit pa simple ang mga sangkap at paraan ng pagluluto.  At syempre espesyal kung ginagawa mo ito para sa iyong mga mahal sa buhay.

Katulad nitong dish natin for today.   Simple lang ang mga sangkap at paraan ng pagluluto na ginawa ko, pero kakaiba talaga yung linamnam na kinalabasan.   Kahit nga yung sauce pa lang ay ulam na.   Masaabi kong pwede natin itong lutuin para sa mga espesyal na okasyon sa ating mga mahal sa buhay.   subukan nyo po.


CREAMY PORK MUSHROOM and POTATOES

Mga Sangkap:
1 kilo Pork kasim or Pigue (cut into cubes)
3 pcs. medium size Potatoes (cut also into cubes)
1 small can Sliced Mushroom
1 tetra brick All Purpose Cream
2 tbsp. Butter
1 head minced Garlic
2 pcs. White Onions (cut into rings)
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap (optional)
salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.  I-prito ang onion rings sa butter hanggang sa medyo malauto ito.  Hanguin sa isang lalagyan.
2.  I-prito din ang bawang hanggang sa pumula.   Hanguin sa isang lalagyan.
3.  Sunod na ilagay na ang karne ng baboy at ang sabaw ng mushroom sa can.   Timplahan ng asin at paminta.   Lagyan ng mga 1 tasang tubig, takpan at hayaang lumambot ang karne.
4.   Kung malambot na ang karne, ilagay na ang patatas at sliced mushroom.   Takpan muli at hayaang maluto ang patatas.
5.   Ilagay na ang all purpose cream at maggie magic sarap.
6.  Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7.   Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang piniritong bawang at sibuyas.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!


Comments

this would be more delicious if i put some pineapples in it for a spark of sweet flavor. thank you for sharing this one! :)
Dennis said…
That's a good idea hotels in makati....i-try ko yan in my next version. Salamat. :)
Anonymous said…
mukhang masarap pho ung luto nyo.lu2tuin kopo e2 pag may tym nag cocolect pho aq ng mga recipes at mrami pho akong nkitang mga luto nyo.
Dennis said…
Salamat...pakilala ka naman para ma-address kita by name. Thanks
Anonymous said…
hnd kopo kz alam kung panu kopo ila2gay ung profile q na may ksamang picture q pero aq pho c raymond briggs abrigo. Kahangahanga pho nang mga recipes nyo 2 weeks napo 2mitingin at nagbabasa nang mga luto nyo at msa2bi k0po tlg n msarap .
Dennis said…
Salamat Raymond ha.... I hope you continue supporting my blog.

Kung may google account ka...log-in ka lang then visit my blog. Or kung di mo pa rin ma-log....lagay mo na lang yung name sa comment mo. Salamat ng marami ha. Basta pag may tanong ka, mag-comment ka lang.


Dennis
Anonymous said…
sir dennis d2 pho s niluto nyo pwd pho bang condensada o kaya freshmilk ang gamitin imbes n all purpose cream mag lagay nlang pho aq ng corn starch pra s pampalapot.

Raymond
Dennis said…
Pwede naman Raymond. But use Alaska condensed yung red ang label. Yung white kasi matamis pang dessert yun. I prefer Alaska red label kasi full cream din ito at mas malinamnam sa mga ulam.

Salamat muli Raymond


Dennis
Unknown said…
Panu kung fresh mushroom yung gamitin? Hindi yung canned ?

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

Sinigang na Baboy

Tinolang Manok