HAPPY FATHER'S DAY sa Lahat ng Ama.......


Sa araw na ito ipinagdiriwang sa buong Pilipinas at sa iba pang mga bansa ang Araw ng mga Ama o Father's Day.   Kaya naman nais kong magpugay sa aking nag-iisang ama ang aking Tatang Villamor.

Nag-iisang anak na lalaki ang aking Tatang.   Lima silang magkakapatid at siya ang pang-apat.   Kaya naman nang nagka-anak na ako at malaman niyang lalaki ang aking panganay, tuwang-tuwa siya.

Hindi ko malimutan nun time na ibinalita ko sa kanyan na magkakaraoon na siya ng apo sa akin.   Kitang-kitra ko ang saya sa kanyang labi at talaga namang para siyang tumama sa lotto.

Mas lalong nalubos ang kanyang kasiyahan nang ipinanganak na ang aking panganay at nang malaman niyang isa itong lalaki.   Glorioso daw ito at magkakalat ng kanyang pangalan.

Bawing-bawi daw siya sa akin komo tatlong lalaking Glorioso ang ibinigay ko sa kanyang apo.  Kaya naman mahal na mahal niya ang mgaito.

Simple lang ang aking Tatang Vill.   Pero ang lubos na hinahangaan ko sa knya ay ang kanyang napakaraming mga kaibigan.  Kung magpupulitiko nga siya, sapalagay ko ay mananalo siya.   Sobrang palakaibigan siya at talagang kilala siya a barrio namin.   Sabi nga niya wala man saw siyang kayamanan pero marami siyang kaibigan.

71 years old na ang aking Tatang.   Dalangin ko na sana ay bigyan pa siya ng mahaba pang buhay para makasama pa namin siya.   Sana ay dumatng pa ang panahon na mabigyan ko siya ng ginhawa kahit ako ay may sarili na ring pamilya.

Sa iyo aking Tatang Vilamor, Salamat sa lahat ng aral na ipinagkaloob mo sa akin, higt pa ito sa kayamanan na aking dadalhin hanggang sa aking pag-tanda.

Dennis

Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE