JOLLY'S BEEF SALPICAO

Nitong nakaraang Father's Day, sinorpresa ako ng aking asawang si Jolly.   Ipinagluto niya ako nitong masarap na Beef Salpicao.   Actually, hindi niya alam ang tawag dito.   Nagpaturo lang siya sa kanyang kasamahan sa trabaho para sa mga sangkap at kung papaano lulutuin.  Nag-effort di ba?    hehehehe

Sa hindi nakaka-alam, hindi talaga nagluluto sa bahay ang aking asawa.   Kahit noong bago pa lang kami mag-asawa, inako ko na ang pagluluto para sa amin.   Marunong din naman siya kahit papaano pero yung mga simpleng prito at hindi komplikadong dish ang kaya niya.   Kaya nga bif deal para sa akin ang effort na ginawa niya na ito.

Talaga bumili pa siya ng mahal na klase na karne ng baka at nag-lista siya kung papaano ito lutuin.   Ang ginawa ko na lang, inalalayan ko siya habang niluluto niya ito.  Sayang naman kasi kung hindi magiging tama ang luto e ang mahal nung baka.   hehehehe.

Nakakatuwa kasi masarap ang kinalabasan ng kanyang niluto.   Kahit anag mga anak ko ay nagustuhan ito.   I-share ko din sa inyo kung papaano niya ito niluto the way na itinuro ko sa kanya.   Try nyo din po.   Masisiyahan din po kayo sa sarap nito.


JOLLY'S BEEF SALPICAO

Mga Sangkap:
1 kilo Beef Tenderloin (cut into 1/2 inch thick and desired sizes)
3 tbsp. Liquid Seasoning
3 tbsp. Soy Sauce
1 tsp. Garlic Powder
1 head minced Garlic
Salt and pepper to taste
Chopped parsley for garnish
3 tbsp. Butter

Paraan ng pagluluto:
1.  Timplahan ng asin, paminta at garlic powder ang hiniwang karne.   Hayaan ng mga 15 minuto o higit pa.
2.   Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang bawang sa butter hangang sa mag-golden brown ang kulay.   Hanguin sa isang lalagyan.
3.  Isunod ang minarinade na karne at hayaang ma-brown ng bahagya.
4.  Ilagay na ang toyo at mga 1/2 cup na tubig.  Hayaang kumulo.
5.  Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
6.   Huling ilagay ang liquid seasoning.
7.   Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang toasted garlic at ang chopped parsley.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

Comments

Unknown said…
hello kuya bago ko palang nakita itong blog nyo at nagustuhan ko mga luto nyo dahil mahilig din po kc akong magluto..maraming salamat po..!try ku po itong luto ng mrs nyo..
Dennis said…
Salamat Lorraine.... I hope mai-share mo din itong blog kong ito among your relatives and friends. Thanks again - Dennis
Unknown said…
Goodmorning Sir Dennis, Foodpick really appreciates what you are doing to the public. Helping them to explore your greatness in cooking and inspire them to explore more. -www.foodpick.me
Dennis said…
Thanks Ed...Nag-visit din ako sa blog mo and it looks great. Ang gaganda ng picts. Ikaw ba ang kumukuha ng mga pict na yun? Sana someday makagawa din ako ng ganun. More power to your blog and God bless.

Dennis
Kiezia said…
Thank you for sharing the recipe, it really helps me preparing for lunch today.
Dennis said…
Thanks Kiezia......I'm sure they will like it.


Dennis

Popular posts from this blog

Sinigang na Baboy

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

Tinolang Manok