SARCIADONG TILAPIA
Magaling magluto ang aking namayapang Inang Lina. Siguro yun ang namana naming lahat na magkakapatid sa kanya. Kahit mga simpleng pagkain o lutuin ay nagagawa niyang pasarapin. Marahil ay pareho lang kami ng sangkap na inilalagay sa aming mga niluluto, ang pagmamahal. :)
Kagaya nitong dish natin for today. Sarciadong tilapia. Noong araw ang natatandaan kong isda na nilulutong ganito ng aking Inang ay bangus o kaya naman ay dalagang bukid. Kahit hati-hati lang kami sa isda, dinadagdagan ko na lang ang ginisang kamatis na may itlog at inihahalo ko sa kanin para magkasya ang aking pang-ulam. Gustong-gusto ko ang ginisang kamatis na ito na may itlog kaya kahit ngayon ay palagi ko pa din itong niluluto. Tr nyo din po.
SARCIADONG TILAPIA
Mga Sangkap:
1 kilo or pcs. medium size Tilapia
8 pcs. Tomatoes (sliced)
1 large White Onion (chopped)
5 cloves minced Garlic
2 pcs. Egg (beaten)
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste
Cooking oil for frying
Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ng asin at paminta ang nilinis na tilapia. Hayaan ng ilang sandali.
2. I-prito ito sa kumukulong mantika hanggang sa maluto at matusta. Hanguin sa isang bandehado.
3. Alisin ang mantika sa kawali. Magtira lamang ng mga 2 kutsara.
4. Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.
5. Lagyan ng kaunting tubig at timplahan ng asin, paminta at maggie magic sarap. Hayaang maluto hanggang madurog na mabuti ang kamatis.
6. Ilagay na ang bibnating itlog at halu-haluin.
7. Tikman at i-adjust ang lasa.
8. Ibuhos ang ginisang kamatis sa ibabaw ng piniritong tilapia.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments