SINAMPALUKANG MANOK na may TANGLAD
Komo nag-uuulan na nga, masarap na pang-ulam ay yung may sabaw. Ito agad sinampalukang manok ang aking naisip at paborito din ito ng aking mga anak. At para maiba ng kaunti, nilahukan ko ito ng lemon grass o tanglad.
Nakuha ko yung idea sa aking kapitbahay na si Kuya Francis. Sa mga niluluto niya, madalas ay nilalagyan niya ng tanglad. Kahit nga nilagang baka ay nilalagyan niya nito. So, sinubukan kong lagyan din nito ang masarap nang sinampalukang manok. At tama, mas lalo pang pinasarap ng tanglad ang masarap nang sinampalukang manok. Winner talaga ang mainit na sabaw. Hehehehehe.
SINAMPALUKANG MANOK na may TANGLAD
Mga Sangkap:
1 whole Chicken (cut into serving pieces)
1 sachet Sinigang sa Sampalok Mix
3 tangkay na Tanglad o lemon Grass (white portion only..pitpitin)
Sitaw
Okra
Kangkong
Siling Pang-sigang
2 thumb size Ginger (slice)
5 cloves minced Garlic
2 pcs. Tomatoes (slice)
1 large Onion (slice)
Salt or patis to taste
2 tbsp. Cooking Oil
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, igisa ang luya, bawang, sibuyas at kamatis sa mantika.
2. Isunod na agad ang manok at timplahan ng asin o/at patis. Takpan at hayaang masangkutsa.
3. Lagyan ng nais na dami ng tubig para sa sabaw. Ilagay na din ang tanglad. Hayaang kumulo ng mga 10 minuto.
4. Ilagay na ang sitaw,okra at siling pang-sigang. Hayaang maluto.
5. Huling ilagay ang kangkong at sinigang mix.
6. Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
NOTE: Kung nagustuhan po ninyo ang post kong ito, paki-click naman po ng mga ADS sa side o sa bottom ng post kong ito. Maraming salamat :)
Comments