BISTEK ESPESYAL (Beef Steak)
Bihira kami mag-ulam ng karne ng baka. Siguro mga dalawang beses o tatlo sa isang buwan. May kamahalan kasi ang presyo nito at parang mabigat kung nagba-budget ka talaga para sa pagkain.
Pero nitong isang araw, nag-uwi ng 1 kilo ng Beef Tenderloin ang aking asawang si Jolly. Nagustuhan kasi niya yung niluto niya nung nag-celebrate kami ng Father's Day. But this time, ako na ang nagluto at lutong bistek ang aking ginawa dito. Hindi ko na hinaluan ng kung ano-ano pang pampalasa dahil masarap na talaga ang napakamahal na karne ng baka na ito. Kaya para sa akin toyo, calamansi at tamang pagluto ay ayos na dito.
Simpleng luto pero hindi simple ang sarap ng beef steak na ito. Pinoy na pinoy pa din ang kabuuan ng lasa. Sabi nga ng guest namin sa bahay na pamangkin ng aing asawa na si Joanna, ang sarap daw kumpara sa niluluto ng mama niya. hehehehe. Try nyo din po.
BISTEK ESPESYAL (Beef Steak)
Mga Sangkap:
1 kilo Beef Tenderloin (hiwain ng 1/4 inch ang kapal)
10 pcs. Calamansi
1/2 cup Kikoman Soy Sauce
2 pcs. large size White Onion (cut into rings)
2 heads minced Garlic
2 tbsp. Butter
2 tbsp. Cooking oil
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ang magkabilang side ng hiniwang karne ng baka ng asin at paminta. Hayaan ng ilang sandali.
2. Sa isang non-stick na kawali, i-brown lamang ang magkabilang side ng karne ng baka sa butter. Hanguin sa isang lalagyan.
3. Sa isang kaserola, i-prito ang bawang hanggang sa mag-golden brown. Hanguin sa isang lalagyan.
4. Sa parehong kaserola i-prito naman ang onion rings hanggang sa malanta lang ng bahagya. Hanguin sa isang lalagyan.
5. Ilagay na sa parehong kaserola ang na-brown na karne ng baka at lagyan ng toyo at mga 1/2 cup na tubig. Ilagay na din ang katas ng calamansi. Hayaang kumulo ng mga 2 minuto.
6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7. Hanguin sa isang lalagyan at lagyan ng piniritong onion rings at bawang sa ibabaw.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments