CORNED BEEF SPAGHETTI
May natira pa akong half kilo ng spaghetti pasta nung nagluto ako ng pasta dish para sa birthday ng asawa kong si Jolly. Tamang-tama kako at gagayahin ko yung pasta negra na nilutong kapatid kong si Shirley. Kaya lang parang alanganin yung tira-tirang pusit na ilalahok ko dito. At isa pa, baka hindi kumain ang mga bata ng pasta na maitim. So nag-isip ako kung ano ang pwede kong gawin. Tamang-tama naman at may 3 cheese spaghetti sauce pa ako at ng i-check ko ang aking cabinet ay mayroon pa din akong 1 latang Argentina na corned beef. At doon na nga nabuo ang corned beef spaghetti na ito. Masarap at nagustuhan ng aking mga anak. Try nyo din po.
CORNED BEEF SPAGHETTI
Mga Sangkap:
400 grams Spaghetti pasta
1 (260 grams) can Argentina Corned Beef
1 tetra pack Clara Ole 3 cheese Spaghetti sacue
5 cloves minced Garlic
1 large Onion (chopped)
1 tsp. Dried Basil Leaves
2 tbsp. Olive Oil
1 tbsp. Brown Sugar
Salt and pepper to taste
1 cup Parmesan Cheese
Paraan ng pagluluto:
1. Lutuin ang spaghetti pasta according to package directions.
2. Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa olive oil.
3. Ilagay na agad ang corned beef, 3 cheese spaghetti sauce, dried basil at timplahan ng asin, paminta at brown sugar. Hayaang kumulo ng bahagya.
4. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
5. Ihalo sa sauce ang nilutong pasta at haluing mabuti hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat na noodles.
Ihain ito habang mainit pa na may parmesan o grated cheese sa ibabaw
Enjoy!!!!
Comments