PAKSIW na PATA by REQUEST



May nag-message sa akin sa isa sa mga post ko dito sa food blog kong ito about paksiw na pata.   Tanong niya, bakit daw kapag naghahanap siya ng recipe para sa paksiw na pata, iba-iba yung nakukuha niya.  Mayroon daw na nilalagyan pa ng bulaklak ng saging, yung iba naman daw ay may kung ano-ano pang inilalagay.   Ang sagot ko naman, ang paksiw ay pagkaing may sangkap na suka at marami talagang version ito kahit saang lugar ka sa Pilipinas mag-punta.  Kung baga, nasa nagluluto kung gusto mo yung may iba pang mga sangkap or yung just plain suka, bawang at paminta lang.

Sa paksiw na pata mas gusto ko yung plain lang.   Straight forward kung baga.   Sa biyenan kong si Inay Elo ko din ito nakuha.  Pero ang pinaka-key dito ay yung pagkasariwa ng pata na gagamitin.   Sa simpleng luto na ito, malalasahan mo talaga yung sarap ng karne, sabi ko nga straight forward, walang paliguy-liguy ang lasa.   Ang kainaman din dito, napakaali lang itong lutuin.  Isa pa, mas masarap kainin ito kung kinabukasan na.   Tiyak ko mapaparami kayo ng kain.   Hehehehe


PAKSIW na PATA by REQUEST

Mga Sangkap:
1 whole Pata ng Baboy (Yung likod na part para malaman.   sliced)
2 cups Cane Vinegar
2 cups Water
2 heads Minced Garlic
1 pc. Onion (sliced)
1 tsp. Whole Pepper Corn
1 tsp. Crush Pepper Corn
1 tbsp. Sugar
Salt to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang heavy bottom na kaserola, pagsama-samahin ang lahat na sangkap maliban lang sa pata ng baboy.
2.  Isalang ito sa kalan at pakuluin ng mga 3 minuto.
3.   Ilagay na ang pata ng baboy at takpan hanggang sa maluto at lumambot.   Maaaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
4.   Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.

Ihain kung nais nang kainin o mas mainam kung kinabukasan na.

Enjoy!!!!


Note:   Kung naiibigan nyo po ang mga recipes na pino-post ko, paki-click na lang din po ang mga ADS.   tulong nyo na lang po ito sa akin.   Maraming salamat po.

Dennis

Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE