SINIGANG na SUAHE sa SAMPALOK

Tag-ulan na naman.   Wala nang hihigit pa sa mainit na sabaw ng sinigang kapag ganitong panahon....hehehehe.   Nakakapawi ng lamig at swabe talaga sa lalamunan yung asim ng sabaw.   Maraming pwedeng gamiting pang-asim sa sinigang.   Pangkaraniwan siguro ang sampalok, pero pwede din ang calamansi, kamyas, santol o mangga na pang-asim sa sabaw.   Pero kung wala ka sa probinsya na marami ang mga ganito, pwede na din ang mga instant na pang-asim o sinigang mixes.   Hehehehe

Katulad ng adobo, ang sinigang ay napaka-versatile din pagdating sa kung ano ang gusto mong i-sigang.   Pwede ang baboy, manok, isda o kahit ano mang seafoods kagaya ng hipon.   Kaya naman nang makita ko ang sariwang hipon o swahe na ito ay di ako nagdalawang-isip na bumili kahit may kamahalan.   Sabagay mura na din siguro yung P280/kilo na nabili kong ito sa Farmers Market.   Pero mahal ito para sa isang kainan lang.  Peo okay na din lang, minsan lang din naman kami maka-kain ng ganito sa bahay.   hehehehe


SINIGANG na SWAHE sa SAMPALOK

Mga Sangkap:
1 kilo Hipon o Swahe (alisin yung sungot o balbas)
1 sachet Sinigang Mix
Sitaw
Okra
Labanos
Kangkong
1 pc. large Onion (quatered)
2 pcs. Tomatoes (sliced)
Salt or Patis to taste
Hugas bigas o tubig

Paraan ng pagluluto:
1.  Sa isang kaserola, pakuluan ang tubig o hugas bigas sa nais na tabi ng isasabaw kasama ang sibuyas at kamatis.    Pakuluan ng mga 5 minuto
2.  Ilagay na ang sitaw, okra at labanos.   Takpan muli at hayaang maluto ang mga gulay.
3.   Kung malapit nang maluto ang mga gulay, ilagay na ang hipon at isabay na din ang sinigang mix.   Timplahan ng asin o patis.  Hayaang maluto ang hipon.
4.   Huling ilagay ang kangkong.  Patayin na ang apoy para hindi ma-overcooked ang hipon.

Ihain habang mainit pa ang sabaw.

Enjoy!!!!



Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy