MINCED PORK and BAGUIO BEANS in BLACK BEAN SAUCE


Noong mag-celebrate ng kanyang birthday ang asawa kong si Jolly, ginawa niya ito sa isang restaurant sa The Fort sa Taguig City.   Ang pangalan ng restaurant ay Modern Sichuan.   Okay naman ang mga food nila.   Lahat masasarap at isa sa mga nagustuhan ko ay yung minced pork ba yun na may Baguio beans at medyo spicy ang lasa.   (Please see picture below..yan po yung sa Modern Sichuan)

Naisipan kong gayahin ang dish na yun at pinipilit ko talagang ire-construct yung lasa sa aking isipan.   Isa kasi sa medyo nalalasahan ko na itinimpla sa dish na yun ay parang lasang bagoong o anchovies ba yun?

Alam ko stir fry lang ang luto, at magaman hindi ko natumbok ang lahat ng mg sangkap, pero hindi naman nahuhuli ang lasa at sarap ang aking ginawa.   Just look at the two picts and kayo na ang mag-judge kung alin ang sa tingin nyo ay mas masarap.   hehehehe



MINCED PORK and BAGUIO BEANS in BLACK BEAN SAUCE

Mga Sangkap:
1/2 kilo Minced Lean Pork
300 grams Baguio Beans (cut into 1 inch long)
1 tbsp. Bagoong Alamang (spicy flavor)
1 tsp. Black Beans Sauce
5 cloves minced Garlic
1 pc. Onion (chopped)
1 tsp. Brown Sugar
1/2 cup Sweet Soy Sauce
1/2 tsp. Sesame Oil
Salt and pepper to taste
2 tbsp. Cooking Oil

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kawalai o wok, igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.
2.   Ilagay na agad ang minced pork o giniling, bagoong alamang at black beans sauce.   Halu-haluin hanggang sa mawala ang pagka-pink ng karne ng baboy.
3.   Subon na ilagay ang toyo, brown sugar at baguio beans.   Halu-halo lang hanggang sa maluto ang Baguio beans.
4.   Tikman at i-adjust ang lasa.   Maaring lagyan pa ng asin at paminta.
5.  Huling ilagay ang sesame oil.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Note:  Kung ordinary bagoong ang ginamit, maaring lagyan ng sili para medyo umanghang.

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy