TORTA BURGER


Tatlo ang anak kong nag-aaral.   Kahit 2 na dito ay highschool, pinagbabaon ko pa din sila ng kanilang snacks para hindi na bibili pa sa school.   Minsan napansin ko na uwi pa rin nila ang kanilang baon at hindi nila kinain.   Siguro kako ay nagsasawa na sila sa mga cup cakes at biscuit na pinababaon ko.    hehehehehe.   Kaya naman naisipan kong gawan naman sila ng sandwich o burger.

Yes.   But this time torta burger ang aking ginawa.   Remember yung tortang giniling na niluto ko nung isang araw?   Yun yung ginawa kong palaman sa kanilang burger.   Pinirito ko lang siya na kasing laki ng burger bun at presto may torta burger na.   Nilagyan ko na lang ng mayonaise, lettuce, cucumber at cheese para mas lalo pang sumarap.  At isa lang ang sinabi nila nung umuwi sila ng bahay, masarap daw ang burger nila.   hehehehe.   Try nyo din po para sa inyong mga anak.



TORTA BURGER

Mga sangkap:
2 cups  Tortang Giniling Mix (eto po yung link ng recipe  http://mgalutonidennis.blogspot.com/2013/09/tortang-giniling-in-banana-leaves.html)
Burger Bun
Cheese
Cucumber
Romaine Lettuce
Mayonaise

Procedure:
1.   Sa isang non stick na kawali, i-prito ang tortang giniling kasing-laki ng bilog ng burger bun.   Hanguin muna sa isang lalagyan.
2.   I-init ng bahagya ang burger bun at isa-isang ilagay ang lahat ng mga sangkap sa tinapay.

Ihain habang mainit-init pa.

Enjoy!!!!


Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE