CHICKEN ADOBO with MARBLED EGGS
Para sa akin importante ang itsura ng pagkaing aking inihahain sa aking pamilya. Ofcourse without sacrificing yung lasa. Baka naman maganda nga tingnan pero wala naman lasa. Kaya naman talagang ginagawan ko ng paraan para maging katakam-takam ang bawat putaheng aking niluluto.
Bukod sa itsura, ginagawan ko din ng twist ang aking mga niluluto lalo na yung mga classic na nating pagkain kagaya ng adobo. Parang kasing nakakasawa na kung yun at yun an ating nakakain at nalalasahan.
Dito sa adobo dish na ito, hindi lamang basta chicken adobo ito na may nilagang itlog na nakikita natin sa mga carinderia. Yung egg ginawan ko ng marble effect at yung adobo naman ay iiba ko ang pamamaraan ng pagluluto. Ang resulta? Isang re-invented na chicken adobo with marbled egg. Try nyo din po.
CHICKEN ADOBO with MARBLED EGGS
Mga Sangkap:
1 whole Chicken (cut into serving pieces)
1 head minced Garlic
1 large size Onion (sliced)
1/2 cup Vinegar
1 tbsp. Worcestershire Sauce
1 cup Soy Sauce
8 pcs. Eggs
1 tsp. Freshly Crack Black pepper
Salt to taste
3 tbsp. Cooking Oil
1 tsp. Brown Sugar
Paraan ng pagluluto:
1. Magpakulo ng tubig para sa paglalaga ng itlog. Kapag kumulo na ilagay dahan-dahan ang bawat piraso ng itlog. After ng 5 minuto hanguin ito at ilagay sa malamig na tubig. Kumuha ng kutsara at isa-isang pukpukin ang balat ng itlog hanggang sa magkaroon ng kaunting crack ito. Set aside.
2. Sa isang heavy bottom na kaserola i-prito ang bawang sa mantika hanggang sa mag-brown. Hanguin sa isang lalagyan.
3. Isunod ang sibuyas at makaraan ang ilag sigundo ay ilagay na din ang manok. Timplahan ng kaunting asin, paminta at brown sugar. Hayaang masangkutsa.
4. Ilagay na ang suka toyo at worcestershire sauce. Takpan at hayaang maluto kumulo.
5. Kapag kumukulo na, ilagay ang itlog sa nilulutong adobo. Dapat ay nakalubog ito sa sauce. Takpan muli at hayaang maluto ang manok.
6. Tikman ang sauce at i-adjsut ang lasa.
7. Hanguin ang mga itlog, balatan at ibalik muli sa nilutong adobo.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments