HOME MADE CHICHARON BABOY na may LAMAN
Mahilig din ba kayo kumain ng chicharong baboy? Masarap itong pang-snacks o kaya naman ay pika-pika sa mga inuman. Ako ginagawa ko din itong ulam lalo na kapag may kasamang kamatis na pinirat at patis. Ginagamit ko din ito sa mga ginisang gulay at maging sa ginisang munggo.
Sa aming bayan sa Bulacan isa sa mga sikat na pagkaing pasalubong ay itong chicharon. Kaya naman basta may pagkakataon na maka-uwi ako ay nagdadala ako nito pabalik sa Manila. Maraming klaseng chicharon na mabibili dito, pero ang pinaka-gusto ko ay yung may laman na konti. Yun lang may kamahalan ang ganitong klase. Kaya naman naisip ko na bakit hindi na lang ako gumawa nito sa bahay. At yun nga ang ishe-share ko sa inyo. Actually, hindi lang yung pamamaraan ng pagluluto kundi kasama din kung papaano hindi titilamsik yung mantika habang piniprito ito. Pwede nyo ding gamitin ang tip na ito kung magluluto kayo ng lechong kawali o crispy pata. Try nyo din po.
HOME MADE CHICHARONG BABOY na may LAMAN
Mga Sangkap:
1 kilo Pork Belly (piliin yung manipis lang ang taba)
Rock Salt to taste
Iodized Salt
Cooking Oil for Frying
Paraan ng pagluluto:
1. Hiwain ang pork belly ng mga 1 to 2 inches
2. Pakuluan ito sa tubig na may asin hanggang sa lumambot.
3. Palamigin ito at ilagay sa freezer ng mga 1 araw o higit pa bago i-prito.
4. I-prito ito sa kumukulo at lubog sa mantika hanggang sa mag-pop ang balat at pumula ito.
5. Palamigin sandali sa saka budburan ng iodized salt.
Ihain na may kasamang sawsawang suka na may sili.
Enjoy!!!!
Comments