PRITONG MANOK - My Childhood Version
Lahat halos siguro ng mga bata ay paborito itong fried chicken. Dahil na din siguro sa kabi-kabilang advertisement ng mga fastfood chain sa mga telebisyon at billboards. Pero ang mga fried chicken na ito ay yung coated ng mga breadings na may halong mga herbs at mga spices. Ang Max na lang siguro ang hindi gumagamit ng mga breadings na ito.
Kahit noong aking kabataan, paborito ko din ang fried chicken. Para sa akin espesyal ang okasyon kapag nagluto nito ang aking Inang Lina. Madalas, ito ang pinapabaon niya sa akin kapag may mga picnic sa school. Noong araw wala pa nitong mga fastfood chain na ito at ang paraan ng pagluluto ng fried chicken ay napaka-simple lamang. Sa totoo lang parang nagbalik ang aking kabataan ng matikman ko ang childhood version ko na ito. Nakakatuwa kasi nagustuhan din ng aking mga anak ang fried chicken ng aking kabataan. Try nyo din po.
PRITONG MANOK - My Childhood Version
Mga Sangkap:
1 whole Chicken (cut into serving pieces)
10 pcs. Calamansi
1 cup Purong Patis
1 tsp. Ground Black Pepper
Cooking Oil for frying
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang plastic bag o zip block, ilagay ang lahat na mga sangkap maliban sa cooking oil. Isara ang plastic bag at ikot-ikot ito para ma-marinade ng husto ang bawat piraso ng manok. I-marinade ito overnight.
2. Alisin sa marinade mix at i-prito ng lubog sa mantika hanggang sa maluto at pumula ang mga side nito.
Ihain habang mainit pa na may kasamang banana catsup.
Enjoy!!!!
Comments
ainsley_leen:)
Dennis
ainsley_leen