TINOLANG PORKCHOPS sa UPO
Kapag sinabing tinola ang unang naiisip natin ay yung manok na may sabaw na niluto sa luya at may gulay na hilaw na papaya. Tama naman dahil yun talaga ang alam nating tinola. Pero pe-pwede din naman na mag-tola tayo ng isda o kaya naman ay baboy. At sa gulay na isasahog, hindi lamang papaya ang pwedeng ilagay. Pwede din ang sayote, patola o kaya naman ay upo.
Kagaya nitong recipe ko for today. Sa halip na manok porkchops ang ginamit ko at sa halip na papaya naman ay upo ang isinahog ko.
Masarap din ang porkchops sa tinola. May buto kasi ito na magbibigay ng malasang sabay sa dish. At yung upo naman ay may manamis-namis na lasa (lalo na yung bagong pitas ha) sa lasa ng sabaw.
Try nyo din po. Masarap ito lalo na ngayong lumalamig na ang panahon.
TINOLANG PORKCHOPS sa UPO
Mga Sangkap:
1 kilo Porkchops (yung may buto na kasama)
1 small size Upo (cut into cubes)
Dahon ng Sili
2 thumb size Ginger (sliced)
5 cloves minced Garlic
1 large Onion (sliced)
5 pcs. Siling pang-sigang
1 tsp. Whole Pepper Corn
2 tbsp. Cooking Oil
1 tbsp. Achuete Seeds
Salt or patis to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa mantika.
2. Isunod na agad ang porkchops at timplahan ng asin at paminta. Takpan at hayaang masangkutsa sandali.
3. Ibabad ang achuete seeds sa 1/2 tasang tubig. Piga-pigain hanggang sa kumulay ito. Ilagay ang katas sa nilulutong tonola para pangkulay.
4. Lagyan ng nais na dami ng tubig na pang-sabaw. Takpan muli at hayaang kumulo hanggang sa lumambot ang porkchops.
5. Kung malambot na ang karne ilagay na ang upo at siling pang-sigang. Takpan muli at hayaang maluto ang upo.
6. Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.
7. Huling ilagay ang dahon ng sili at saka patayin ang apoy.
Ihain habang mainit pa ang sabaw.
Enjoy!!!!
Comments