ESCABECHENG DALAGANG-BUKID

Ang Escabeche ay isang pinoy dish na halos katulad lang ng alam nating sweet and sour na luto.   Ang pagkakaiba lang nito, ginadgad na hilaw na papaya ang gulay na inilalagay dito sa halip sa alam nating carrots, red bell pepper at iba pa.

Lumaki din ako sa ganitong luto ng escabeche ng aking Inang Lina.  Katulad ng sarciadong isda, kahit anong pritong isda ay pwede dito.   Pangkaraniwan, yung mga tira-tirang pritong isda ang ginagawang lutong ganito para hindi naman nakakasawa.  Ganun ka-inovative ang aking mga sinaunang kababayan noon na namana naman natin maging sa kasalukuyan.

Kagaya nga ng nasabi ko, kahit anong isda ay pwede sa lutuing ito basta huwag lang yung masyadong matitinik.   Yung lumang pritong isda ay okay din dito.


ESCABECHENG DALAGANG-BUKID

Mga Sangkap:
10 pcs. Dalagang-Bukid
1/2 medium size Green Papaya (grated)
2 thumb size Ginger (cut into strips)
1/2 cup Vinegar
1 large Onion (sliced)
5 cloves minced Garlic
3 tbsp. Brown Sugar
1 tbsp. Achuete Seeds
Salt and pepper to taste
Cooking Oil for frying

Paraan ng pagluluto:
1.   Timplahan ng asin ang mga isda.   Hayaan sandali at saka i-prito sa kumukulong mantika.
2.   Sa isang sauce pan, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa kaunting mantika.
3.   Sunod na ilagay ang ginadgad na papaya at ilagay na din ang suka, asin at paminta.    Hayaan munang maluto ang suka bago haluin.
4.   Sunod na ilagay ang katas ng achuete at brown sugar.   Hayaang kumulo.
5.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.   Ang tamang lasa nito ay yung nag-aagaw ang alat, asim at tamis.
6.   Hanguin at ibuhos to sa piniritong isda.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy