NOCHE BUENA SUGGESTION #1

Ilang araw na lang ay Pasko na.   Alam ko marami sa atin ang busy na sa kaiisip kung ano ang masarap na ihanda sa ating Noche Buena.   Ako man ay ganun din.   Wala pa din akong final na menu.   Pero sabi nga ng kapatid ng asawa ko na si Lita, mainam daw ay yung hindi namin madalas na nakakain.   At dun na nga ako magsisimula ng pagiisip kung ano nga ang masarap na ihanda.

Dahil ang blog kong ito ay isang food blog at katulad ng ginagawa ko nitong mga nakaraang taon, narito ang isa sa mga suggestions ko na pwede nyong i-konsidera para sa inyong Noche Buena:

Para appetizer o main dish na din, try nyo po itong Stuffed  Bell Pepper with Chicken, Crab Sticks and Basil.   Eto po ang link ng recipe:   http://mgalutonidennis.blogspot.com/2013/02/stuffed-bell-pepper-with-chicken-crab.html

Syempre dapat may noodles na handa.   Masarap po itong  Shrimp Crab and Aligue Pasta.   http://mgalutonidennis.blogspot.com/2013/02/shrimp-crab-and-aligue-pasta.html

At para sa main course,   i-try po ninyo itong Roast Pork with Barbeque Sauce. http://mgalutonidennis.blogspot.com/2013/02/roast-pork-with-barbeque-sauce.html

Para sa dessert, okay lang po siguro ang assorted fresh fruits na medyo chilled nang konti.

O ayan, nagutom tuloy ako sa posting kong ito.   May mga susunod pa akong Noche Buena suggestions.   Abangan na lang po ninyo.

Maligayang Pasko po sa inyong lahat!!!!


Comments

salamat sa suggestion..e try ko yong pansit and roasted barbecue pork..merry christmas sir dennis and to ur family.God bless
Dennis Glorioso said…
Hindi pancit yun..pasta aligue....hehehehe. Ako din yun ang plano kong lutuing pasta dish. Yummy!

Merry Christmas MyhoneyBunch Bunch

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE