NYNIA ALTHEA'S 2ND BIRTHDAY

Nitong huling pagdalaw namin sa Bualacan para bumoto at dumalaw na din sa aking namayapang Inang Lina, nagkataon din na nagse-celebrate pala ng kanyang ikalawang kaarawan ang aking pamangkin sa pinsan na si Nynia Althea.   Siya yung kinu-kwento ko sa post ko kahapon sa Kalabasang Okoy.   Ipinaghanda siya ng kanyang Lola Ineng na aking tiya ng iang simpleng meryenda.  

Narito ang mga pagkaing inihanda ng aking tiya.

Nagpaluto siya nitong pancit palabok sa aking kapatid.

Puto

Cuchinta

Karamba o Kalabasang Okoy

Goto

Syempre, hindi mawawala ang birthday cake.

Present nang hapong yun ang lahat ng kanyang lolo at lola at mga kamag-anak.

Mawawala ba ang aking mga anak kapag may kainan na ganito?  Hindi syempre.  hehehehe

Nasira na naman ang diet ko.  Hehehehe.   Lahat kasi ng handa ay paborito ko.  Pero syempre, tikim-tikim lang ang ginawa at baka tumaas ang aking sugar.   Hehehehe

Dalangin ko na sana ay lumaking malusog, matalino at may pagmamahal sa Diyos at mga magulang ang batang ito.

Amen.

Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE