ADOBONG BABOY at SITAW sa ACHUETE


Hindi ko alam kung saan nag-origin itong adobo sa achuete na ito.   The last time na naka-kain ako nito ay almost 1 year na sa San Jose Batangas.

Actually, parang pareho lang naman ang lasa sa ordinaryong adobo na nakakain natin.   Ang pagkakaiba nga lang ay yung kulay dahil nga sa achuete.

Marahil naimbento ang version na ito ng adobo dahil walang toyo na magamit.  Hindi ganun naman sa probinsya, kung ano ang available ay yun ang inilalagay.

Also,  para kako dumami ng bahagya nilagyan ko din ng sitaw.   Ayun!   Akala ng mga anak ko ay kare-kare ang kanilang kinakain.   Naghanap ba naman ng bagoong.  hehehehe.


ADOBONG BABOY at SITAW sa ACHUETE

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Belly o Liempo
2 tbsp. Achuete Seeds
1 cup Can Vinegar
Sitaw (hiwain ng mga 1 inch ang haba)
1 tsp. Brown Sugar
Salt and pepper to taste
1 head minced Garlic
2 tbsp. Cooking Oil

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang bawang sa kaunting mantika.
2.  Ilagay na agad ang karne ng baboy at timplahan ng asin at paminta.   Hayaang magmantika ng bahagya.   Halu-haluin.
3.   Ilagay na ang suka at ang katas ng achuete.   Takpan at hayaang maluto ang suka.   Maaring lagyan ng tubig kung kinakailangan.   Hayaang maluto hanggang sa lumambot.
4.   Kung malambot na ang karne, ilagay na ang sitaw.   Takpan muli hanggang sa maluto ang sitaw.
5.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!





Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy