CHEESY CHICKEN ADOBO

Hindi ko kayang bilangin ang version ng paborito nating lahat na Adobo.   Masasabi nga natin na ito ang ating pambansang ulam dahil kahit saang parte ng Pilipinas ay may kani-kaniyang version at paraan ng pagluluto nito.

Marami na rin akong nagawang version ng chicken o pork adobo at nadagdagan pa ito nang makita ko itong billboard na ito ng isang restaurant na ang specialty nila ay ang adobo na may cheese.   Well, hindi ako magtataka kung masarap ito dahil alam naman natin kahit anong pagkain kapag nilagyan mo ng cheese ay sumasarap.

Kaya nga nitongisang araw, sinubukan kong magluto nito na may ibang paraan kesa sa usual na luto na ginagawa ko.  Ginisa ko muna kasi ito at nilahukan ko ng ginayat na tanglad.   At masarap nga ang kinalabasan ng aking cheesy chicken adobo.   Try nyo din po.




CHEESY CHICKEN ADOBO

Mga Sangkap:
1 whole Chicken (cut into serving pieces)
1 head minced Garlic
1 large Onion (sliced)
1/2 cup Tanglad (white portion...chopped)
2 pcs. Dried Bay Leaf
3/4 cup Vinegar
3/4 cup Soy Sauce
1 cup Grated Cheese
1 tsp. Ground Black Pepper
1 tsp. Brown Sugar
 Salt to taste
 2 tbsp. Cooking Oil

 Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang bawang, sibuyas, laurel at tanglad sa mantika.
2.   Ilagay na agad ang manok at timplahan ng kaunting asin at paminta.    Halu-haluin.   Takpan at hayaang masangkutsa.
3.   Kapag nagmantika na ang manok, ilagay na ang suka, toyo at brown sugar.   Takpan muli at hayaang maluto ang manok.   Maaring lagyan pa ng tubig kung gusto ninyong medyo masabaw ang inyong adobo.
4.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
5.   Ilagay ang grated cheese sa ibabaw ng nilulutong adobo.  Takpan muli at patayin na ang apoy.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy