NOCHE BUENA SUGGESTION #3







Ito po ang pangatlo sa series ng Noche Buena suggestions ko for 2013.   I hope makatulong ito sa inyo kahit papaano.   May nag-message na nga sa akin na ilan sa mga nai-post ko na suggestion ay lulutuin niya para sa kanilang Noche Buena.

Okay.  Umpisahan natin sa appetizer.   Napili ko itong California Maki.   Ito ang isa sa mga inihanda ko sa aming 2012 na noche buena.   http://mgalutonidennis.blogspot.com/2013/01/california-maki-ala-dennis.html




Pwede itong appetizer at main course na din.   Pork Cordon Bleu.   Tiyak ko magugustuhan ito ng mga bata. http://mgalutonidennis.blogspot.com/2012/10/pork-cordon-bleu.html


Isa pa ay itong version ko ng Chicken ala Kiev.  http://mgalutonidennis.blogspot.com/2013/07/chicken-ala-kiev-my-own-version.html


Syempre hindi mawawala ang noodle dish sa hapag.  Sa halip na pasta dish itong Pancit Palabok ang maisa-suggest ko.   Yun lang medyo marekado ang dish na ito.  Pero narito ang simpleng version. http://mgalutonidennis.blogspot.com/2013/05/pancit-palabok.html

Kung medyo kumplekado ang pancit palabok, bakit hindi na lang Pancit Sotanghon?    Masarap at tiyak kong panalo pa din sa mga kakain.   http://mgalutonidennis.blogspot.com/2011/05/pancit-sotanghon-guisado.html


For the main dish, itong Roasted Barbeque Pork Ribs ang suggestion ko.    Yun lang medyo may kamahalan ang part na ito ng baboy.  Pero okay lang, espesyal naman ang mga kakain at ang okasyon.  
http://mgalutonidennis.blogspot.com/2010/12/roasted-barbeque-pork-ribs.html


For the dessert, masarap itong Haleyang Kalabasa para maiba naman sa madalas nating ihanda na Haleyang Ube.  Wag kalimutan ang sweet macapuno sa ibabaw.  http://mgalutonidennis.blogspot.com/2012/10/haleyang-kalabasa-na-may-macapuno.html


Pwede din itong Fuity Graham Ref Cake.   Wala nang luto-luto na gagawin.   http://mgalutonidennis.blogspot.com/2012/08/fruity-graham-ref-cake.html

Ayan.  I hope may makuha kayo sa aking pang-3 noche buena suggestions na ito.   Basta kung may tanong kayo, mag-message lang kayo sa post na ito at sasagutin ko sa abot ng aking makakaya.

Salamat at Maligayang Pasko sa inyong lahat!!!!


Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE