PASKO SA BATANGAS 2013
Masayang naipagdiwang ng aming pamilya ang nakaraang Pasko at Noche Buena sa San Jose Batangas. Kahit medyo nakakapagod ang paghahanda, sulit naman dahil nagustuhan ng lahat ang aming inihanda.
Actually, kanya-kanyang share ang naging handa namin. Pati nga ang hipag kong nasa Ireland na si Beth ay nag-share din para sa aming Noche Buena. Yung Beef Lasagna at sar-saring prutas ang share niya. Kami naman ay yung Waldorf Salad at Crab and Cucumber Spring Roll. Ang aking hipag ding si Ate Pina ang nag-share ng 3 manok para i-roast, samantalang si Lita naman ay Pork barbeque at Pancit Malabon. Si Ate Azon naman ay Pork Hamonado at Kare-kare, samantalang si Kuya Alex naman ay Kare-kare din, halabos na hipon at alimango.
Masaya at nabusog ang lahat sa aming mga pinagsaluhan. Komo ako nga ang nagluto, parang naumay na ako sa mga pagkain. Kare-kare at lasagna lang at kaunting prutas ang aking nakain.
Syempre, mawawala ba ang picture-an bago at matapos magkainan. Natapos kami mga 1:30 na siguro ng madaling araw.
Kinabukasan, nag-attend naman kami ng misa sa chapel na malapit lang sa aming lugar. Ang pamilya ng aking biyenan at kasama na din kami ang nag-sponsor ng misa ng umagang yun.
Pagkatapos ng misa, nagpamigay din ng aguinaldo ang aking biyenan at mga hipag sa lahat ng kanilang kamag-anak na nag-attend ng misa.
Masaya ang lahat ng nag-attend ng misa ng umagang yun. Dama mo talaga ang saya ang ligaya sa bawat isa sa araw na yun ng Pasko.
Dalangin ko ang patuloy na pagbubuklog ng aming pamilya at ng lahat hindi lamang sa tuwing sumasapit ang pasko kundi sa araw-araw.
MALIGAYANG PASKO SA LAHAT!!!!

Comments