BEEF LASAGNA OVERLOAD

Ito yung pasta dish na inihanda ko at share ng aming pamilya sa nakaraan naming Noche Buena.   Beef Lasagna overload.

Gusto kasi ng asawa kong si Jolly na masasarap lahat at kumpleto ang sangkap ng mga food na ihahanda namin para sa Noche Buena.   Kaya naman itinodo ko na ang isang ito para sa Beef lasagna na ito.   Bukod kasi sa giniling na baka, nilagyan ko din ito ng bacon, ham, mushroom, maraming cheese at fresh and dried na basil.   At tunay naman, overload sa sarap talaga ang pasta dish na ito.   Yummy!!!!


BEEF LASAGNA OVERLOAD

Mga Sangkap:
500 grams Lasagna Pasta (cook according to package directions)
1/2 kilo Lean Ground Beef
300 grams Sweet Ham (cut into desired size)
300 grams Bacon (cut into desired size)
2 cups Button Mushroom (sliced)
1 tbsp. Dried Basil
1 cup Fresh Basil leaves (chopped)
1 cup Tomato Paste
4 cups Pasta Sauce
1 cup Grated Cheese
1 head Minced Garlic
2 pcs. Medium size Onion (chopped)
3 tbsp. Butter or Olive Oil
Salt and pepper to taste

For the White Sauce:
1 cup All Purpose Flour
1/2 bar Butter
4 cups Fresh or Full Cream MIlk
Salt and pepper to taste
1 tsp. Maggie Magic SArap
1/2 cup Grated Cheese

 Paraan ng pagluluto:
1.   Lutuin ang lasagna sheets accorging to package direction.  
2.   Sa isang kawali o sauce pan, igisa ang bawang at sibuyas sa olive oil or butter.
3.   Isunod na agad ang giniling na baka at timplahan ng asin at painta.
4.   Kapag nawala na ang pagka-pink ng karne, ilagay na ang bacon, ham, mushroom at fresh at dry basil.  Haluin-haluin.  
5.   Sunod na ilagay ang tomato paste, pasta sauce at 1 cup na grated cheese.
6.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7.   I-assemble ang lasagna.   I-layer alternately ang sauce at ang nilutong lasagna sheets pasta.
8.   Para sa white sauce:   Sa isang sauce pan ilagay ang butter hanggang sa matunaw.
9.   Sunod na ilagay ang harina at patuloy na haluin.
10.    Ilagay na din ang Fresh o full cream milk at patuloy na haluin.
11.   Timplahan ng asin, paminta, maggie magic sarap at grated cheese.   Patuloy na haluin.   Maaring lagyan pa ng gatas hanggang sa makuha ang tamang lapot ng sauce.
12.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
13.   Ibuhos ang sauce sa ginawang lasagna.
14.   Lagyan pa ng grated cheese sa ibabaw at budburan din ng dried basil.
15.   I-bake sa init na 250 sa loob ng 15 to 20 minuto o hanggang sa matunaw lang ang cheese sa ibabaw.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE