CHICKEN and BABY POTATO SALAD

Paborito ko ang chicken potato salad.   Dapat sana isa ito sa mga ihahanda ko nitong nakaraang Noche Buena pero mas pumabor ang asawa kong si Jolly na yun ngang Waldorf Salad ang aking gawin.   Kaya naman nitong nakaraang linggo hindi ko na pinalampas na gumawa nito nang makita ko itong baby potatoes na nabili ng asawa ko bago mag-new year.

Simple lang ang salad dish na ito.  Ang gusto kong i-share sa dish na ito ay yung pagpapakulo ng patatas at carrots sa broth o sa pinaglagaan ng manok.   Mainam na ganun para lumasa yung flavor ng manok sa patatas.   Also, nilagyan ko din ito ng cashiew nuts.   Nakakadagdag ito sa texture ng dish.  Yun bang may kaunting crunch kang mangunguya habang kinakain mo ito.   Ang sarap talaga.   Kaya naman ubos agad ito sa aking mga anak.


CHICKEN and BABY POTATO SALAD

Mga Sangkap:
1 kilo Baby Potatoes (cut into half)
2 pcs. Carrots (balatan and cut into cubes)
2 tangkay Celery (lower portion lang...cut into small pieces)
1 whole Chicken Breast Fillet
2 cups Mayonaise
1 cup Toasted Cashiew Nuts (chopped)
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kaserola na may kaunting asin, pakuluan ang chicken breast hanggang sa maluto.   Hanguin, palamigin at saka himayin sa nais na laki.  Pwede din na hiwain ng pa-cubes.
2.   Sa parehong kaserola, pakuluan naman ang baby potatoes at carrots hanggang sa maluto.   Hanguin at i-drain.   Palamigin
3.   Kung malamig na ang baby potatoes, paghaluin lang ang lahat ng mga sangkap sa isang bowl.
4.  Timplahan ng kaunting asina at paminta.
5.  I-chill sandali sa fridge bago ihain.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE