GINISANG TINAPANG BANGUS at ITLOG NA MAALAT

Alam kong umay na umay pa din kayo sa mga natira nyong handa nitong nakaraan nating Media Noche, kaya minarapat kong pampatanggal umay muna ang i-post kong dish para sa araw na ito.

Actually, bago mag-Pasko ko pa ito nagawa at naluto.   Umuwi kasi ako sa amin sa Bocaue Bulacan at nang pabalik na ako ng Manila ay pinabaunan ako ng aking kapatid na si Shirley ng isang malaking tinapang bangus.

Unang kita ko pa lang sa tinapang bangus ay dish na ito agad ang aking naisip.   Masarap itong pang-ulam sa almusal at pwede din siguro na side dish o pangulam din sa tanghalian at hapunan.   Tingin ko din ay pwede itong ipalaman sa lumpia wrapper at pagkatapos ay i-prito.   Sigurado akong panalo ito sa mga makakakain.   Try nyo din po.


GINISANG TINAPANG BANGUS at ITLOG NA MAALAT 

Mga Sangkap:
1 whole Boneless Tinapang Bangus (himayin ang laman)
4 pcs. Itlog na Maalat (hiwain ng maliliit)
4 pcs. Kamatis (hiwain din ng maliliit)
1 large Puting Sibuyas (hiwain din ng maliliit)
5 cloves Minced Garlic
Salt and Pepper to taste
Spring Onions or Kuchay (chopped)
4 tbsp. Canola Oil

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang non-stick na kawali, i-prito muna ang hinimay na tinapang bangus sa mantika hanggang sa medyo matusta.   Hanguin muna sa isang lalagyan.
2.   Sa parehong kawali igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.
3.   Ibalik ang tinustang tinapa sa kawali.  Halu-haluin.
4.   Ilagay na din ang hiniwang itolog na maalat at timplahan ng asin at paminta.
5.   Hanguin sa isang lalagyan at lagyan ng hiniwang spring onions o kuchay sa ibabaw.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE