BEEF POCHERO with LONGANISANG AKLAN
Isa sa mga paborito kong luto sa baka ay itong pochero. Gustong-gusto ko kasi yung naghahalong asim ang tomato sauce at yung tamis ng saging na saba sa sauce. Kaya naman basta may pagkakataon ay nagluluto ako nito sa bahay.
Sa version kong ito ng Beef Pochero, longanisang Aklan ang aking inilagay sa halip na Spanish o Chinese Sausage. Ang sausage kasi ang nagbibigay ng kakaibang lasa sa sauce kapag ito ay naluto.
Ang longanisang Aklan pala na ito ay pasalubong sa aking ng kapatid kong si Shirley nung manggaling sila ng Kalibo Aklan para maki-fiesta sa Ati-Atihan Festival.
Yung ibang longanisa ay iniulam namin sa almusal at nun ko nga naisipan na ihalo ang iba dito sa pochero na iluto ko. Ang resulta...isang masarap na pochero at masarap naman talaga ang sauce dahil sa longanisang Aklan. Try nyo din po.
BEEF POCHERO with LONGANISANG AKLAN
Mga Sangkap:
1 kilo Beef Brisket (cut into cubes)
6 pcs. Longanisang Aklan (sliced)
2 cup Tomato Sauce
5 pcs. Saging na Saba
Pechay Tagalog
Repolyo (hiwain sa nais na laki)
5 cloves Minced Garlic
1 pc. Large Onion
3 tbsp. Brown Sugar
2 tbsp. Cooking Oil
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.
2. Ilagay na agad ang karne ng baka at timplahan ng asin at paminta. Lagyan ng mga 4 na tasang tubig at takpan. Hayaang maluto hanggang sa lumambot ang karne. Maaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
3. Ilagay na ang tomato sauce, hiniwang saging na saba, brown sugar at longanisang Aklan. Takpan at hayaan ng mga 5 minuto.
4. Sunod na ilagay ang pechay at repolyo.
5. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments