CANTON-SOTANGHON CON LECHON
Nitong nakaraang wedding anniversary namin ng asawa kong si Jolly, hindi man magarbo o maraming handa, pero tiniyak kong magugustuhan ng aking pamilya lahat ng aking lulutuin sa araw na yun.
Isa na dito ay itong pancit na inalmusal namin. Pinaghalong sontanghon at canton noodles na nilahukan ko ang lechon kawali. At para mas maging katakam-takam, nilagyan ko pa ng hard-bliled eggs sa ibabaw. O di ba parang ang sarap-sarap. Bukod dyan, sa halip na pandesal ang katerno, putong puti ang aking inihain. Yup, bumili lang ako pero masarap ha. Naubos nga ang pancit ng isang kainan lang. Hehehehe. Ibig sabihin, masarap talaga.
CANTON-SOTANGHON CON LECHON
Mga Sangkap:
1/2 kilo Pork Liempo
1/2 kilo Canton Noodles
250 grams Sotanghon Noodles
250 grams Squid Balls (cut into half)
1 large Carrot (cut into strips)
1/2 Cabbage (sliced)
1 small Chayote (cut into strips)
1/2 cup Kinchay (chopped)
1/2 cup Oyster Sauce
1/2 cup Soy Sauce
4 cloves Minced Garlic
1 large Onion (chopped)
Sabaw ng pinaglagaan ng Pork Liempo
Salt and pepper to taste
2 tbsp. Cooking Oil
2 pcs. hard-boiled Eggs
Paraan ng pagluluto:
1. Pakuluan ang pork liempo sa kaserolang may tubig at asin. Pakuluan ito hanggang sa lumambot ang karne. Hanguin at palamigin sandali ang karne. Itabi ang sabaw na pinaglagaan.
2. Lutuin sa turbo broiler ang nilagang pork liempo hanggang sa pumula at mag-crisp ang balat. Pwede din na i-prito na lang ito sa kumukulong manitika. Palamigin at hiwain into bite size pieces.
3. Sa isang kawali na medyo malaki, i-prito muna ang squid balls sa mantika hanggang sa maluto. Hanguin sa isang lalagyan. Dito na dinigisa ang bawang at sibuyas.
4. Ilagay na agad ang sabaw na pinaglagaan ng liempo. (About 5 cups or more)
5. Ilagay na sin ang toyo at oyster sauce. Hayaang kumulo.
6. Ilagay na ang kalhating parte ng hiniwang lechon kawali. Ilagay na din ang piniritong squid balls, carrots at chayote.
7. Unang ilagay ang sotanghon noodles at after ng 1 menuto ay ilagay na din ang canton.
8. Timplahan ng asin at paminta. Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.
9. Haluing mabuti hanggang sa maluto ang noodles.
10. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang hiniwang lechon kawali, chopped kinchay at hiniwang nilagang itlog.
Ihain habang mainit pa na may kasamang calamansi.
Enjoy!!!!

Comments
Thanks po
Dennis