CHICKEN CORDON BLEU with WHITE GARLIC SAUCE
Last Saturday February 15, ay kinumpilan (confirmation) ang pangalawa kong anak na si James. Hindi na sumama sa simbahan ang dalawang ko pang anak na sina Jake at Anton kaya pagkatapos ng kumpil ay balik bahal na lang kami para doon mananghalian.
At ito ngang Chicken corson Bleu na ito ang aking niluto. Kahit mabilisan ang pagluto, hindi matatawaran ang sarap ng isa pang version kong ito ng Chicken Cordon Bleu.
Another version kasi bukod sa ham at cheese na ipinalalaman sa chicken breast, nilagyan ko din ito ng red bell pepper at smokey longanisa. Actually impromtu ang nangyari. May nakita kais akong tira-tirang longanisa sa aming fridge at naisip kong ilahok na din ito dahil dun sa smokey flavor na toyak kakong magpapalasa pa sa dish. At yun na nga, isang masarap na putahe na tiyak kong magugustuhan ng lahat.
CHICKEN CORDON BLEU with WHITE GARLIC SAUCE
Mga Sangkap:
10 pcs. Whole Chicken Breast Fillet
10 pcs. Sweet ham
5 pcs. Cooked Smokey Longanisa (cut into strips)
2 pcs. Red Bell Peper (cut into strips)
1 bar Cheese (cut into sticks)
4 pcs. Calamansi
2 pcs. Fresh Egg (beaten)
2 cups All Purpose Flour
2 cups Japanese Breadcrumbs
Salt and pepper to taste
Cooking Oil for Frying
For the White Garlic Sauce
1 head Minced Garlic
1 small can Alaska Evap
2 tbsp. Butter
1 tbsp. Flour
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Gamit ang kitchen mallet, pitpitin ang bawat piraso ng chicken breast hanggang sa numipis ito. Make sure lang na hindi madudurog o masira ang laman ng manok. Ilagay muna sa isang bandehado at timplahan ng asin, paminta at katas ng calamansi.
2. To assemble..sa bawat piraso ng chicken breast fillet o depende sa laki ng roll na gusto, maglagay ng nais na dami ng ham, cheese, smokey longanisa at red bell pepper.
3. I-roll ito ng dahan-dahan at tiyakin na mahigpit ang pagka-roll para di lumabas ang palaman. Ilagay muna sa isang lalagyan.
4. Ilubog sa binating itlog ang ginawang roll..pagkatapos ay i-roll naman sa harina....ilubog muli sa binating itlog at saka i-roll naman sa Japanese breadcrambs. Ilagay muli muna sa iang bandehado.
5. Ilagay muna ang mga ginawang rolls sa freezer at hayaan ng mga 5 minuto.
6. I-prito ang roll ng lubog sa mantika sa katamtamang lakas ng apoy hanggang sa maluto at maging golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyan.
7. For the sauce: I-prito ang bawang sa butter.
8. Ilagay na agad ang harina at patuloy na haluin habang binubuhos naman ang alaska evap.
9. Timplahan ng asin at paminta. Tikman at i-adjust ang lasa.
10. Halu-haluin hanggang sa makuha ang tamang lapot ng sauce. Maaring lagyan ng tubig kung kinakailangan.
Hiwain ang Chicken roll sa nais na kapal at lagyan ng white garlic sauce sa ibabaw.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments