HAPPY VALENTINES DAY

HAPPY VALENTINES DAY sa lahat!!!!

Nabuo ang food blog kong ito dahil sa pagmamahal ko sa aking pamilya at ang love ko sa pagluluto.   Kagaya nung nasa description ng food blog kong ito, sinasabi kong ang isa sa mga sangkap na inilalagay ko sa mga niluluto ko ay pagmamahal.   Pagmamahal para maramdaman ng mga taong mahal ko ang aking pagmamahal dahil sa sarap na kanilang kinakain.  Kaya naman tuwing nagluluto ako ang nasa isip ko ay kung papaano ito mapapasarap at magugustuhan ng aking asawa at mga anak.

Nakakatuwa naman dahil nakikita ko na nagugustuhan nila ang mga niluluto ko.   Madalas nga kahit patay na ang ilaw at matutulog na kami, tinatanong pa ako ng aking mga anak kung ano ang aming ulam sa kinabukasan.   Hehehe.

At ito ang gusto kong i-share sa araw na ito ng mga puso.  Na ang pag-ibig o pagmamahal ay hindi lamang naipapakita sa pagsasalita o pag-sasabi ng I Love You o Mahal Kita, kundi ipinararamdam ito sa pamamagitan ng kilos o gawa.   At para sa akin, ipinakikita ko ito sa pamamagitan ng pagluluto ng mga pagkaing hinahaluan ko ng pagmamahal.

I love you Mommy Jolly, Jake, James at Anton.

Happy Valentines Day muli sa Lahat!!!!


Thank you Google para sa picture na ginamit ko para sa post kong ito.  :)

Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE