SINIGANG na TIYAN ng TUNA
Ito naman ang isa sa mga niluto kong pananghalian nitong nakaraan naming wedding anniversary. Sinigang na Tiyan ng Tuna. Yes. Tuna Belly. Medyo may kamahalan ang per kilo nito pero okay lang dahil espesyal na okasyon naman ito ihahanda. Hindi ko na din nilagyan ng kung ano-ano pang gulay dahil baka matakpan pa ang sariwang lasa ng tuna.
Dalawang slabs ang 1 kilo nito nung nabili ko. Iniisip ko kung isisigang ko lahat kaya lang parang napakarami naman. Ang ginawa ko, isinigang ko sampalok yung 1 slab at yung isa naman ay inihaw ko sa turbo broiler.
Nakakatuwa naman at nagustuhan ng aking pamilya ang munting tanghalian na inihanda ko para sa kanila.
SINIGANG na TIYAN ng TUNA
Mga Sangkap:
500 grams Tiyan ng Tuna o Salmon Belly (cut into serving pieces)
1 sachet Sinigang Mix
Kangkong
Sigarilyas (wing beans)
1 large Onion (quartered)
2 pcs. Tomatoes (quartered)
1 liter Hugas Bigas
Salt or patis to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Pakuluan ang hugas bigas kasama ang sibuyas at kamatis ng mga 5 minuto.
2. Kapag kumukulo na ilagay na ang sigarilyas at ang hiniang tiyan ng tuna.
3. Timplahan ng sinigang mix, asin o patis ayos sa inyong panlasa.
4. Huling ilagay ang kangkong at hayaang maluto.
Ihain habang mainit pa ang sabaw.
Enjoy!!!!

Comments