FRIED OREO DESSERT


May nakainan kaming isang bar dito sa Makati malapit lang sa pinapasukan kong opisina at hindi ko makalimutan yung dessert na na-served.   Kahit nga ang mga kasamahan ko ay nagustuhan ito.   Habang kinakain ko yung sa akin pilit kong nire-reconstruct kung ano-ano ang mga sangkap na inilagay dun sa dessert.   Oreo cookies kasi siya na coated ng batter pinirito at ska nilagyan ng vanilla ice cream sa ibabaw at kung ano-anong toppings.




FRIED OREO DESSERT

Mga Sangkap:
1 pack Oreo cookies
1 box 250 grams Pan Cake Mix
1 pc. Fresh Egg
2 tbsp. Melted Butter
Chocolate Syrup
Chocnut Candy bar
Cooking Oil for frying

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang bowl gumawa ng pancake mix according to package direction.   Yun lang bawasan ang dami ng tubig na ilalagay para mas malapot ang batter na magagawa.
2.   Ilubog sa batter mix ang mga oreao cookies at ipirito ng lubog sa manitika hanggang sa maluto.   hanguin sa isang lalagyan na may paper towel.
3.   To serve, ilagay sa isang platito ang ilang piraso ng niluto cookies at lagyan ng chocolate syrup at dinurog na chocnut sa ibabaw.   Pwede din na lagyan ng vanilla ice cream sa side.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE