MY NEW TOY

Mula nung nakita ko sa Home TV Shopping ang produktong ito gusto ko na magkaroon din ako nito.   Para kasi kakong ang galing nito as compare dun sa mga non-stick na nabibili din sa merkado.  Kaso may kamahalan ang presyo.  Kahit nga nung nakaraang Pasko sa aming exchange gift, ito ang hiniling ko sa aking monito/monita na ibigay sa akin, kaso hindi natupad komo mahirap itong mahanap sa mga ordinaryong store.


Until makita kong naka-sale ito sa isang sikat na online shopping site dito sa net.  Imagine, P3,800 ang original na presyo nito at nakuha ko lang ng P1,299.   Good deal di ba?  Kaya naman nag-order ako agad.

Yes...itong Ceramic Pan na ito ang bago kong toy na tinutukoy ko.   Gusto kong magkaroon nito para hindi masyadong hazzle ang pagluluto na love na love kong gawin.   Bukod kasi sa non-stick nga ang kawaling ito, ang dali pa nitong linisin.   At nito ngang nakaraang Linggo nasubukan ko ang galing nito sa aking sunny side up na itlog para sa aking Longsilog at sa dalawa pang dish na ishe-share ko sa mga darating na araw.

Tungkol sa fried egg na aking niluto gamit ang kawali na ito, siguro kailangan gamitan ko din ng egg ring para maging perfect ang pagkaluto.   Kumakalat kasi yung puti ng itlog komo medyo alsado ang pinaka-gitna ng kawali.   Pero nagustuhan ko talaga ang kawali na ito.   Love na love ko talaga.   hehehehe

Abangan po ninyo ang mga dish na gagawin ko gamit ang bago kong toy na ito.


Comments

Anonymous said…
sa metrodeal po ba?
Dennis Glorioso said…
Di ko matandaan....pero i-try mo din. Also sa ensogo...lazada o cashcashpinoy.

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE