ANELLI RIGATI and SAUSAGE PASTA


A week ago, binisita kami sa bahay ng ate ng asawa kong si Jolly na si Ate Pina.   Bukod sa kapeng barako na dala niya, may dala din siyang pasta na padala daw ng anak niyang si Marissa na nasa France.   Hindi naman daw siya madalas magluto nito kaya dinala na lang niya at inigay sa amin.

Sa totoo lang, ngayon lang ako nakakita ng ganitong klase ng pasta.   Para siyang macaroni na malalaki at halos kasya na sa daliri mo ang laki ng butas.

Nang tingnan ko sa net kung anong klaseng pasta ito, ang tawag pala dito ay Anelli Rigati.  Anelli na salitang Italyano na ang ibig sabihin ay ring.

Simple pasta dish din lang ang ginawa ko dito.   Hinaluan ko lang ito ng Cheese na hotdog at ang sauce na ginamit ko ay yung Cheese and Hotdog Spaghetti Sauce.   At para magkaroon ng mas masarap pa na lasa, nilagyan ko din ito ng dried basil.

Masarap siya.   Yun lang, isa-isa lang na piraso ng pasta ang dapat mong isubo dahil sa laki.   Hehehehehe.


ANELLI RIGATI and SAUSAGE PASTA

Mga Sangkap:
400 grams Anelli Rigati Pasta (cook according to package directions)
6 pcs. Jumbo Cheese Hotdog (sliced)
3 cups Cheese and Hotdog Spaghetti Sauce
1 tsp. Dried Basil
3 tbsp. Olive Oil
1 cup Grated Cheese
1 large White Onion (chopped)
5 cloves Minced Garlic
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Lutuin ang pasta according to package directions.
2.   Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa olive oil.
3.   Isunod na agad ang sausages o hotdogs at timplahan ng asin, paminta at dried basil.  
4.   Sunod na ilagay ang pasta o spaghetti sauce.   Halu-haluin at hayaang medyo kumulo.
5.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
6.   Ilagay ang niluto pasta.  Patayin na ang apoy.   Haluin mabuti ang pasta hanggang sa ma-coat ng sauce.
7.   Hanguin sa isang lalagyan at ilagay ang grated cheese sa ibabaw.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!





Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE