BISTEK na PORKCHOPS with MASHED CHICKEN LIVER


Kapag naghahanda o nagluluto ako ng pagkain para sa aking pamilya ang iniisip ko parati ay kung papaano pa ito mapapasara.  Kaya naman madalas ay nilalagyan ko ito ng twist o dagdag pang sangkap.   Ofcourse given na yung sangkap na pagmamahal dito.   Hehehehe.

Katulad na lang sa bistek na porkchops na ito na niluto ko nitong nakaraang araw.   Simple lang naman ang pag-luto ng bistek.   Basta may calamansi ka at toyo ay makakaluto ka ng bistek.   But this time nilahukan ko pa ito ng dinurog na atay ng manok.   Alam naman natin na ang atay ng manok ay malasa kaya nasa isip ko na mas lalo pang sasarap ang aking bistek.

At yun nga ang nangyari.   Masarap ang sauce an kinalabasan sa aking twist na ginawa.   Naka-dalawang balik nga ng kanin ang tatlo kong anak at humihirit pa talaga ng dagdag na sauce.   hehehehehe


BISTEK na PORKCHOPS with MASHED CHICKEN LIVER

Mga Sangkap:
1 kilo Porkchops
3 pcs. Fresh Chicken Liver
1 cup Soy Sauce
10 pcs. Calamansi (need only the juice)
2 pcs. large White Onions (cut into rings)
1 head minced Garlic
3 tbsp. Cooking Oil
1/2 tsp. Freshly Ground Black Pepper
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang heavy bottom na kaserola, i-prito ang onion rings hanggang sa medyo maluto ng bahagya.   Hanguin sa isang lalagyan.
2.   Sunod na i-prito naman ang bawang hanggang sa mag-golden brown ang kulay.   Hanguin din sa isabng lalagyan.
3.   Ilagay na ang porkchops at atay ng manok at saka timplahan ng kaunting asin, paminta at toyo.   Lagyan din ng 1 tasang tubig at saka takpan.   Hayaang maluto hanggang sa lumambot ang porkchops.
4.   Hanguin ang atay ng manok at i-mashed ito hanggang sa madurog.
5.   Ibalik sa niluluto ang dinurog na atay ng manok kasama na din ang katas ng calamansi.   Hayaan ng mga 5 minuto.
6.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7.   Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang piniritong onion rings at bawang.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

mytaste said…
Hi Dennis,

It is noticeable that there is a great number of tasty recipes on your site and we would like to suggest you to have a look at the Top Food Blog section on our site, the www.mytaste.com

MyTaste is a social platform for foodies and blogs/sites owners like you and it helps to reach more people, get more visibility on the web and share/save recipes. Some of the top food blogs receive 20,000 visitors from us on a weekly basis.

To add your blog to the Top Food Blog list just follow the link http://www.mytaste.com/top-food-blogs


If you have any questions please don't hesitate to contact us at
info@mytaste.com

Kind regards,
Pandong said…
Sir Dennis da'best tong recipe na to, 2 times na nagluto si misis, as in ubos agad yun ulam pati kanin, haha ipost ko yun luto nya sa blog ko and syempre i-promote ko din yun blog nyo na pinanggalingan ng masarap na bistek with a twist!!!!
Dennis Glorioso said…
Salamat Dong....ano pala link ng blog mo para mabisita ko din?

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE