INADOBONG MANOK sa KAMATIS


Napakarami na ring version ng adobong manok ang na-post ko sa food blog kong ito.   Ang mnga version na ito ay natutunan ko din sa iba pang food blog at yung iba naman ay napapanood ko lang sa mga cooking show.

Sa Kris TV sa channel 2 ko nakuha ang version ng adobo na ito.   Alam naman natin na si Kris Aquino pag sinabi niyang masarap tiyak na masarap talaga ito.   Kaya naman number 1 endorser siya ng kung ano-anong produkto..

Ang pagkakaiba ng adobong manok na ito sa karaniwang adobo ay yung dami ng kamatis na nakalagay.   Halos ganun din naman ang pamamaraan ng pagluluto, pero sa totoo lang, masarap nga ang adobong manok na ito sa kamatis.   Isa pa nga pala, nilagyan ko din ito ng dagdag na twist para mas lalo pa itonh mapasarap. Nilagyan ko pa ito ng toasted garlic para magkaroon ng extra pang flavor.


INADOBONG MANOK sa KAMATIS

Mga Sangkap:
4 pcs. Chicken Legs (cut into serving pieces)
250 grams Chicken Liver
8 pcs. Kamatis (sliced)
2 heads MInced Garlic
1 large Onion (chopped)
1/2 cup Cane Vinegar
1/3 cup Soy Sauce
1 tsp. Fresh ground Black Pepper
1 tsp. Maggie Magic Sarap
3 pcs. Jumbo Hotdog (Sliced)
Salt and pepper to taste
3 tbsp. Cooking Oil

Paraan ng pagluluto:
1.  Sa isang kaserola, i-prito ang bawang hanggang sa mag=golden brown ang kulay.  Hanguin sa isang lalagyan.
2.   Sunod na ilagay ang kamatis at sibuyas.
3.   Ilagay  na din ang manok at atay nito at saka timplahan ng asin at paminta.  Halu-haluin.
4.  Takpan at hayaang masangkutsa ang manok.  Hayaan ng mga 5 minuto.
5.   Ilagay na ang suka at toyo.  Takpan muli at hayaang maluto ang manok.
6.  Huling ilagay ang hiniwang hotdog o sausages at timplahan ng maggir magic sarap.
7.  Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!!

Comments

Unknown said…
Di na ihahalo uli yung bawang na hiniwalay? So parang garlic oil lang yung kelangan?
Dennis said…
Sorry di ko na pala nailagay sa last part. Ilagay mo lang sa ibabaw nung nalutong manok.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy