IT'S SHOWTIME

Pasensya na po kung na-late ang post ko para kahapon April 9.   Na-invite po kasi ako ng aking kumpareng si pareng Darwin na manood ng It's Showtime ng live sa ABS-CBN.   Maaga kaming pumunta sa studio at late din naman na natapos kaya di ko agad na-post yung para kahapon.   Hehehehe

Dapat sana ay ang asawa kong si Jolly ang kasama ko, kaso, may work siya that day at kami na lang ng panganay kong anak na si Jake ang natuloy.

9:00am ay nasa harap na kami ng ABS-CBN at habang hinihintay namin ang aking kumpare at pinag-breakfast ko muna ang aking anak na si Jake.   Kailangan kasi ay heavy breakfast ang kainin dahil hindi na pwedeng lumabas ng studio kapag nag-simula na ang show. 

9:30am ay nakapasok na kami ng studio.   At komo empleyado nga ng ABS ang asawa ng kumpare ko na si Roselyn, nagkaroon din kami ng pagkakataon na makapanood ng taping ng Showtime na ipapalabas sa Holy Week.   Ayun, mga 11:00am ay nag-start na na magpapasok ng mga audience.   Swerte naman kami at sa may VIP seat kami nalagay.

Bago mag-start ang show, may practice ng sayaw na ginawa para sa opening.   Hataw naman talaga ang lahat sa sayawan at kantahan.   Enjoy talaga.

Ilan sa mga artista na nakita namin ng personal bukod sa mga regular ng showtime ay sina Precious Lara Quigaman at Jestoni Alarcon na hurado sa araw na yun.

Enjoy talaga sa mga patawa at pa-kontes ang show.   Bukod sa Sinemoto na wacky talaga at magaling din yung Minime portion nila.   Ang galing nung nanalo na si Vhong navaro ang ginaya.

Nakita din namin ng personal sina Sian Lim, Mateo G. at Dimples Romana na nag-promote ng kanilang nalalapit na show.

Natapos ang show eksakto 3:00pm na.   At sa gutom ay dumiretso ulit kaming mag-ama sa Mcdonalds para kumain ng aming tanghalian at meryenda na din.   Hehehehe.

Enjoy kami sa panonood.  Siguro mas masaya din kung nandun sina Vice Ganda, Anne Curtis at Karyll.   Sabagay, may nexttime pa naman.   Hehehehe

Hanggang sa muli :)


Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE