PORK GINILING with MIX VEGETABLES

Nitong nakaraang summer outing sa aming opisina, natoka akong magluto para sa aming tanghalian.  Dapat chicken adobo at sinigang na baboy lang ang ulam na lulutuin.   Pero nung magluluto na, nabago at nadagdagan ng bagong dish ang menu.   May mix vegetables at giniling na baboy.

Hindi ko alam kung papaanong luto ang gagawin.   Kung maaga pa lang sana ay naabiso na para nasabi ko yung mga sangkap na gagamitin.   So ang nangyari kubng ano na lang ang mailagay at kung papaanong luto na lang ang nangyari.

But to my surprise nagustuhan nila ang ginawa kong luto.   Actually simple lang siya pero masarap nga daw.   At ayun, nag-enjoy talaga lahat sila sa mga niluto ko.   Sa uulitin daw......hehehehe.



PORK GINILING with MIX VEGETABLES

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Giniling
1/2 kilo Mix Vegetables (Corn, carrots, green peas)
1/2 bar Butter
1/2 cup Soy Sauce
1 head minced Garlic
2 pcs. large Onion (chopped)
1 tsp. Ground Black Pepper
1 tsp. Maggie Magic Sarap (optional)
Salt to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa butter.    Halu-haluin.
2.   Isunod na agad ang giniling na baboy at timplahan ng asin at paminta.   Halu-haluin.
3.   Ilagay ang toyo at maggie magic sarap.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
4.   Huling ilagay ang mix vegetables.   Halu-haluin at hayaan ng mga 3 minuto.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!


Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE