CHICKEN LOMI GUISADO

Bukod sa glutinous rice flour na nabili ko sa San Jose Batangas nitong huling uwi namin, bumili din ako ng noodles na ginagamit nila sa kanilang masarap na Lomi.   Masarap kasi ito at wala nung parang mapait na after taste kagaya nung mga nabibiling miki dito sa Manila.   Tuwing umuuwi nga kami ng Batangas ay hindi pwedeng hindi kami dadaan ng palengke para kumain ng lomi.   Hehehehehe.



CHICKEN LOMI GUISADO

Mga Sangkap:
1 kilo Lomi Noodles
1/2 kilo Chicken (cut into small pieces)
250 grams Kikiam (sliced)
100 grams Baguio Beans (sliced)
1 pc. Sayote (cut into strips)
100 grams Repolyo (sliced)
1/2 cup Oyster Sauce
5 cloves Minced Garlic
1 pc. large Onion (sliced)
2 tbsp. Cooking Oil
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kawali, i-prito ang hiniwang kikiam hanggang sa maluto.   Hanguin sa isang lalagyan.
2.  Sa parehong kawali igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.
3.   Isunod na agad ang hiniwang manok at timplahan ng asin at paminta.   Halu-haluin at hayaang masangkutsa.
4.   Lagyan ng apat na tasang  tubig o chicken stock at hayaang kumulo ng mga 5 minuto.
5.   Sabay nang ilagay ang Baguio Beans, sayote at lomi noodles.   Halu-haluin.
6.   Kung malapit nang maluto ang gulay at noodles ilagay na ang nilutong kikiam, oyster sauce at repolyo.
7.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain na may kasamang calamansi habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Pandong said…
Ayos na naman tong miki guisado recipe, madalas tong may kasamang kaldo pagsiniserve dito sa batangas, sarap!
Dennis Glorioso said…
Taga Batangas ka ba Dong? Saang part kayo?
Pandong said…
Yes Sir Dennis, sa malvar batangas po yun parents ko, ako naman po dito na sa sto. tomas batangas na nakatira. :)
Dennis Glorioso said…
IC...malapit ka lang. Yung wife ko naman ay taga San Jose.
Pandong said…
lugar ng masarap na lomi, :) kung mapadaan kayo dito sa may malvar marami masarap na lomian, :)
Dennis Glorioso said…
Sige basta may pagkakataon. Mula kasi nung nagkaroon ng Star toll di na kami nadadaan ng Malvar.

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE