FRIED CHICKEN ala MAX
Nang makita ko itong spring chicken nitong nakaraan naming pag-go-grocery sa SM Supermarket sa Makati, isa lang ang pumasok sa isip ko na gawing luto dito. Fried chicken Max style. Yes. Yung fried chicken na hindi balot ng mga breadings at kung ano-anong flavoring.
Lilinawin ko lang na hindi ito ang authentic na recipe ng fried chicken ng Max. Ang pagka-alam ko wala pa ding nakaka-alam ng exact na recipe nito. Ang recipe na ito ay base ko lang sa lasa na aking nalalasahan kapag kinakain ko ito. Ofcourse medyo malapit-lapit lang ang nagagawa ko sa lasa. Pero the best pa rin ito lalo na kung isasawsaw mo sa Jufran na catsup. Para ka na din kumain sa Max resto. Hehehehe
FRIED CHICKEN ala MAX
Mga Sangkap:
2 Whole Spring Chicken (cut into half)
1 sachet Sinigang Mix Powder
1 thumb size Ginger (sliced)
1 large Onion (sliced)
Freshly Ground Black Pepper
Rock Salt
Cooking Oil for Frying
Paraan ng pagluluto:
1. Kisikisan ng asin ang lahat ng side ng manok. Hayaan ng ilang sandali.
2. Sa isang heavy bottom na kaserol pakuluan ang tubig na may asin paminta, sibuyas, luya at sinigang mix powder. (dapat lubog ang manok na ilalagay)
3. Kapag kumukulo na ilagay na ang manok at hayaang maluto.
4. Kung sa tingin nyo ay luto na hanguin sa isang lalagyan at palamigin.
5. Sa siang kawali o heavy bottom na kaserola, magpakulo ng mantika. Dapat lubog ang manok na pi-prituhin.
6. Bago prituhin ang manok kiskisan muli ng asin at paminta ang katawan ng manok. Make sure din na wala itong excess na sabaw bago i-prito para hindi magtalsikan ang mantika.
7. I-prito ito ng lubog sa mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay. Hanguin at palamigin.
8. I-prito muli ang manok for the second time para maging extra crispy ang balat ng manok.
Ihain na may kasamang piniritong kamote at Jufran na catsup.
Enjoy!!!!

Comments