FRUITY GELATIN
After nung attempt kong gumawa ng panna cotta (instant) na hindi naging ganun ka-succesful, naisipan kong gumawa ulit nito para dessert ng aking mga anak. Naghahanap kasi lagi sila ng dessert after kumain. At komo bakasyon pa rin sila ngayon matatakaw talaga silang kumain. Hehehehe.
Madali lang gawin ang dessert na ito.
FRUITY GELATIN
Mga Sangkap:
1 sachet Mr. Gulaman (White)
1 tetra brick All Purpose Cream
1 (370ml can) Alaska Evap (Red label)
1 can Fruit Cocktail
Sugar to taste
Paraan ng pagluluto:
1. I-drain ang fruit cocktail at itabi ang sabaw o syrup nito.
2. Lagyan ng fruit cocktail ang mga hulmahan na gagamitin.
3. Sa isang kaserola, painitin ang sabaw ng fruit cocktail, asukal at evaporated milk. Huwag hayaang kumulo.
4. Ilagay na ang tinunaw na gelatin powder at all purpose cream. Haluing mabuti.
5. Tikman at i-adjust ang tamis.
6. Isalin sa mga hulmahan o llanera na nilagyan ng fruit cocktail.
7. Palamigin
Ihain na medyo malamig.
Enjoy!!!
Comments