GINATAANG SITAW at KALABASA na may CHICHARONG BABOY
Isa sa mga paborito kong gulay na ulam ay itong Ginataang Sitaw at Kalabasa. Kaya naman basta may pagkakataon at pritong isda ang aming ulam, ito ang itineterno ko. Gustong-gusto ko kasi yung creaminess ng gata na humahalo sa madurog na laman ng kalabasa. Yummy!
Papaano naman kung sasahugan mo pa ng chicharong baboy na may laman ang gulay na ito? Wow! Extra rice please. hehehehe
Nitong kasing huling uwi ko ng Bulacan, bumuli ako ng 2 pack nitong chicharong baboy na may laman. Kaya naman tamang-tama kako ito sa ginataang gulay na lulutuin ko. At yun na nga, naging mas extra espesyal ang aking nilutong ginataang sitaw at kalabasa.
GINATAANG SITAW at KALABASA na may CHICHARONG BABOY
Mga Sangkap:
500 grams Kalabasa (cut into cubes)
1 tali Sitaw (cut into 1 inch long)
100 grams Chicharong Baboy (yung may laman...cut into cubes)
2 cups Kakang Gata
1 tbsp. Bagoong Alamang
5 cloves minced Garlic
1 pc. Onion (sliced)
1 thumb size Ginger (cut into strips)
Salt and pepper to taste
3 tbsp. Cooking Oil
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa mantika. Halu-haluin.
2. Ilagay na agad ang sitaw, kalabasa at bagoong alamang at kaunting tubig.
3. After ng mga 3 minuto ilagay na ang kakang gata
4. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa. Timplahan ng asin at paminta.
5. Kung luto na ang gulay ilagay ang chopped na chicharong baboy.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!

Comments