BEEF STROGANOFF
Ang Beef Stroganoff ay isang Russian dish na kinuha ang pangalan kung kanino nag-origin ito. Nanalo daw ang dish na ito sa isang paligsahan at mula noon at naging tanyag na ito sa ibat-ibang bansa at nagkaroon na din ng maraming bersyon. Ilang beses na din ako nakapagluto nito pero ordinary cream lang ang aking ginagamit. Sa original recipe kasi sour cream ang inilalagay. Hindi ako pamilya sa lasa ng sour cream kaya hindi ko ito nasusubukan. Not until nitong huling try ko na magluto ulit nito. Kahit may kamahalan ang halaga ng sour cream ito ang ginamit. Pero hindi ako nagsisi, mas masarap ang kinalabsan ng aking beef stroganoff. For sure magugustuhan din ito ng inyong pamilya. BEEF STROGANOFF Mga Sangkap: 1 kilo Beef (thinly sliced into bite size pieces) 2 cup Sour Cream 1 can Sliced Button Mushroom 1/2 cup Melted Butter 2 head Minced Garlic 1 pc. Large Onion (sliced) 1 tsp. Maggi...

Comments