PORK HAMONADO



Isa sa mga nauna kong recipe na nai-post sa food blog kong ito ay itong Pork Hamonado.   Marami nga ang naka-gusto dito at marami din ang nagsabi na sa mga fiesta at importanteng okasyon lang nila ito natitikman.

Ito rin dapat ang lulutuin kong handa nitong nakaraang tapusan o fiesta sa lugar ng aking asawang si Jolly sa San Jose Batangas.  Pero komo nga nag-attend na lang kami ng binyag at naki-fiesta, hindi na ito ipinaluto at naiuwi na lang namin pabalik ng Manila.   At ito na nga ang kinalabasan.





PORK HAMONADO

Mga Sangkap:
2 kilos Pork Kasim o Pigue (ipahiwa na pahaba)
4 cups Pineapple Juice
3 pcs. Red Onion (sliced)
2 head Minced Garlic
2 cups Brown Sugar
1 tsp. Ground Black Pepper
1/2 cup Soy Sauce
Salt to taste
1 tbsp.  Cornstarch

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang bowl i-marinade ang karne ng baboy sa pineapple juice, asin, paminta, bawang at sibuyas.   Mas matagal mas mainam.
2.   Sa isang heavy bottom na kaserola pakuluan ang minarinade na karne kasama ang marinade mix, brown sugar at toyo hanggang sa lumambot.   Huwag naman malambot na malambot para hindi madurog kapag-i-slice na.
3.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
4.  Huling ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
5.   Palamigin muna bago i-slice.

Enjoy!!!!

Comments

Anonymous said…
Sir Dennis mga ilang minutes kaya ito para makagawa po ako nito, actually matagal ko na gusto gumawa nitong pork hamonado kaya lang naghehesitate ako para sumobra lambot yung magagawa ko. thanks -andrew
Dennis said…
HIndi ko din masabi kung gaano katagal palalambutin ang karne. Depende kasi sa karne na gagamitin. May karne kasi na may katagalan palambutin lalo na kung may idad na yung baboy. Better i-check kung malambot na ang karne pag niluluto na.
Anonymous said…
Oks sir dennis! Salamat po. God Bless!-Andrew
Dennis said…
Salamat din Andrew. Please continue supporting my blog by clicking the ADS.

Thanks again

Dennis
Anonymous said…
ang sabi ng iba ang hamonado ay may sangkap na beer?
Dennis said…
Ngayon ko lang nalaman na may naglalagay ng beer sa hamonado. For me, mas okay siguro kung lemon soda kagaya ng sprite or seven-up. Mas pinapalambot kasi nito ang karne. Hindi ko alam kung sa beer ay ganun din.

Thanks

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy