PORK HAMONADO
Isa sa mga nauna kong recipe na nai-post sa food blog kong ito ay itong Pork Hamonado. Marami nga ang naka-gusto dito at marami din ang nagsabi na sa mga fiesta at importanteng okasyon lang nila ito natitikman.
Ito rin dapat ang lulutuin kong handa nitong nakaraang tapusan o fiesta sa lugar ng aking asawang si Jolly sa San Jose Batangas. Pero komo nga nag-attend na lang kami ng binyag at naki-fiesta, hindi na ito ipinaluto at naiuwi na lang namin pabalik ng Manila. At ito na nga ang kinalabasan.
PORK HAMONADO
Mga Sangkap:
2 kilos Pork Kasim o Pigue (ipahiwa na pahaba)
4 cups Pineapple Juice
3 pcs. Red Onion (sliced)
2 head Minced Garlic
2 cups Brown Sugar
1 tsp. Ground Black Pepper
1/2 cup Soy Sauce
Salt to taste
1 tbsp. Cornstarch
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang bowl i-marinade ang karne ng baboy sa pineapple juice, asin, paminta, bawang at sibuyas. Mas matagal mas mainam.
2. Sa isang heavy bottom na kaserola pakuluan ang minarinade na karne kasama ang marinade mix, brown sugar at toyo hanggang sa lumambot. Huwag naman malambot na malambot para hindi madurog kapag-i-slice na.
3. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
4. Huling ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
5. Palamigin muna bago i-slice.
Enjoy!!!!
Comments
Thanks again
Dennis
Thanks
Dennis