CHICKEN and BABY POTATO SALAD

Paborito ng aking asawang si Jolly at ng aming mga anak ang baby potato salad.   Kaya naman basta may pagkakataon ay gumagawa ako nito para sa kanila.

Madali lang naman magluto o gumawa nitong enseladang ito.   Basta paghalu-haluin mo lang ang mga nasi mo na sangkap...lagyan ng dressings ay okay na.

May ilang recipes na din ako nito sa archive.   Ang pagkakaiba lang nito ay ang mga sangkap na akin pang idinagdag sa kabuuab ng dish.   Sinamahan ko pa kasi ito ng celery at pineapple tidbits.   At okay naman ang kinalabasan, masarap at ubos agad ang aking ginawa.   hehehehe


CHICKEN and BABY POTATO SALAD

Mga Sangkap:
1 kilo Baby Potatoes (cut into half)
400 grams Chicken Breast Fillet (cut into cubes)
2 cups Lady's Choice Mayonaise
2 tangkay Celery (cut into small cubes)
1 large Carrot (cut into cubes)
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.  Sa isang kaserola pakuluan ang baby potatoes, chicken fillet, carrots at timplahan ng asin at paminta.  Hayaang kumulo hanaggang sa maluto ang patatas.   I-drain at palamigin.
2.   Sa isang bowl, isalin ang pinalamig na baby potatoes at ihalo ang hiniwang celery at pineapple tidbits.   Ilagay na din ang mayonaise at timplahan ng kaunting asin at paminta.   Haluin mabuti.
3.   I-chill muna ito sa fridge bago i-serve.

Enjoy!!!


Comments

Anonymous said…
excited to try this! :)
Dennis Glorioso said…
Try it Polly...masarap talaga yan....hehehehe

Dennis

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE