INAY ELO'S 90TH BIRTHDAY BLOWOUT

Last June 24 nag-celebrate ng kanyang 90th Birthday ang aking mother in law na si Nanay Elo.   Hindi nagkaroon ng handa nung araw na yun sa request na din ng isa niyang anak na si Lita na darating naman ng July 12.   Kaya ang nangyari July 13 nagkaroon ng isang simpleng tanghalian ang buong pamilya.


Bale nag-toka-toka ang bawat anak ng may birthday ng pagkaing ihahanda.   Sa aming pamilya natoka ang Pancit Palabok na ginawa ko talagang espesyal at maraming sahog.

Ang balikbayan din na si Beth ang sumagot naman ng hipon at mga alimango.   Ako din ang nagluto ng mga ito.

Para sa hipon, simpleng butter, garlic at sprite lang ang aking inilahok dito.

Sa alimango naman ay iginisa ko at nilagyan ng oyster sauce.

Tokwa't Baboy naman ang share ng kanilang Kuya Alex.

Kare-kare naman ang sinagot ni Ate Azon.

Ang balikbayan mula Abu Dhabi naman na si Lita ang sumagot ng Lechon.


Masaya ang lahat na pinagsaluhan ang mga inihandang pagkain.   May ilan ding kamag-anak na nagkataong dumalaw din ng araw na yun na nakasama namin sa kasiyahan.


Dalangin ko na sana ay makapag-diwang pa ng marami pang kaarawan ang aking Inay Elo.   At hanggang buhay pa siya at nakakapag-celebrate ng kanyang kaarawan, ipagluluto ko pa rin siya ng mga gusto niyang pagkain.

Amen.

Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE